𝐀 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐕𝐀𝐍 𝐎𝐅 𝐂𝐀𝐑𝐀𝐁𝐀𝐎-𝐏𝐔𝐋𝐋𝐄𝐃 𝐂𝐀𝐑𝐓𝐒 (𝐊𝐀𝐑𝐈𝐓𝐄𝐋𝐀𝐒) 𝐂𝐀𝐑𝐑𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐈𝐂𝐑𝐀𝐅𝐓𝐒
Sa Pilipinas, ang mga sasakyang hinihila ng hayop tulad ng mga sledge, kariton, at bagon ay naging pangunahing paraan ng transportasyon ng mga kalakal at serbisyo hanggang sa katapusan ng panahon ng Kastila. Ang mga mangangalakal mula sa iba't ibang rehiyon ay naglalakbay patungo sa Maynila gamit ang mga ito. Kahit na nakikita pa rin ang mga katulad na karitela mula sa Pangasinan sa paligid ng Quezon City noong dekada '90, unti-unti na itong nawala, maliban sa ilang karitela na nagbebenta ng mga handicraft mula Pangasinan hanggang Bulacan. May mga samahan din na gumagamit ng mga kariton na hila ng mga hayop at maging ang mga float para sa mga pagtatanghal ng kaganapan mula 1917 hanggang 1918.
Tanyag ang Tayabas pagdating sa bagay na ito sapagkat masasabing maraming Tayabasing canvassers ang umiikot sa ibat ibang bayan upang maglako ng iba't ibang produkto. Dati, katulad din ng mga sasakyang hinihila ng hayop ang kanilang ginagamit na paraan ng paglalako. Magugulat ka nalang sa pag-iikot sa ibang bayan na may makikilala ka na mga Tayabasin na naglalako ng mga produkto. Marami nadin ang umunlad ang buhay dahil sa paglalako ng mga produkto, na dati ay karamihan ay mga handicraft. Ngayon, karamihan sa mga ito ay mga plastik wares gaya ng palanggana, timba, baskets at iba pang produkto tulad ng flashlights, sinturon, at iba pa.
𝐃𝐢𝐭𝐨 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐝𝐢𝐬𝐞𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐍𝐢𝐲𝐮𝐠𝐲𝐨𝐠𝐚𝐧 𝐅𝐥𝐨𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐚𝐧𝐯𝐚𝐬𝐬𝐞𝐫𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬𝐢𝐧. 𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐝𝐢𝐭𝐨, 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐧𝐝𝐢𝐜𝐫𝐚𝐟𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐲𝐚𝐛𝐚𝐬𝐢𝐧.
No comments:
Post a Comment