OST TAYABAS HERITAGE GROUP
SYMPOSIUM, CLEAN UP OPERATION
& OTHER ACTIVITIES
Nagkaroon muli ng pagbisita at pag
– aaral sa mga tulay upang mas mapaganda at mas maging makabuluhan ang
isasagawang proyekto. At bilang pagkilala sa mga tulay magkakaroon ang samahan
ng mga sumusunod na aktibidad at kompetisyon.
March 4, 2017 – LAKBAY ARAL
Kahit
lurok ang ulan ito ay hindi naging hadlang upang matuloy ang Cultural Heritage
and Information Campaign ng OPLAN SAGIP TULAY “Pagsilip sa Nakaraan: Isang
Lakbay Aral sa mga Lumang Tulay ng Tayabas”. Sa kooperasyon ng LGU Tayabas,
DRRMO, TAYABAS RESCUE, at TAYABAS TRAFFIC ENFORCERS naging posible at
matagumpay ang unang bahagi ng aming proyekto kasama Student Artists ng Luis
Palad National High School. Gayundin ang mainit na pagtanggap at partisipasyon
ng mga sumusunod na barangay sa pangunguna ng mga kapitan ng BARANGAY IBAS,
BARANGAY CAMAYSA, BARANGAY LAKAWAN, BARANGAY MATE, BARANGAY MALAO-A, BARANGAY
KALUMPANG at BARANGAY DAPDAP na siyang nakakasakop sa mga lumang tulay.
April 1, 2017 – CLEAN-UP
DRIVE ORIENTATION
Ganap na ika – 1 ng hapon sa
Pangalawang Palapag ng Casa Communidad de Tayabas, inanyayahan ang ibat ibang
Barangay at organization sa Tayabas para sa gaganaping pagpupulong patungkol sa
nalalapit na Clean – Up Drive sa mga tulay. Ang naturang pagpupulong
ay dinaluhan ng myembro at opisyales ng QPHCI na siyang naging panauhing
tagapagsalita sa pagpupulong kung saan tinalakay ang kahalagahan ng mga lumang
tulay at kung paano ang tamang paraan ng paglilinis sa mga naturang tulay.
April 10,
2017 - AWARENESS FOR HERITAGE - SYMPOSIUM ON THE PROTECTION OF THE NATIONAL
CULTURAL TREASURE by the National Commission
Sa
pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts,
nagpadala sila ng mga Tagapagsalita patungkol sa pagtalakay ng pagpapakita ng
malasakit sa Pamana; Si Mr. Ivan Anthony Henares (National Committee on Monuments and Sites
Head), tinalakay ang “HERITAGE MANAGEMENT AND POLICIES”; Arch.
Jeffrey Cobilla (Escula Taller Technical Team Head) naman ang
tumalakay sa isyu ng “MAINTENANCE AND CLEANING PROCEDURES” at si Ms.
TINA PATERNO (San Sebastian Basilica Conservation and Development Foundation, Inc.
Execuutive Director) sa isyu ng “STONE CONSERVATION”. Ang mga
naturang tagapagsalita ay mga kinatawan ng NCCA. Dinaluhan ito ng ibat
ibang samahan/organization sa Tayabas at ilang kinatawan ng barangay. Natalakay
din sa naturang pagpupulong ang isyu ng konstruksyon sa mga lumang tulay kung
saan mariing tinututulan din ng mga ahensyang ito.
May 12 & 13,
2017 - PHOTO & PAINTING CONTEST
& SYMPOSIUM ON HERITAGE
Ang pangunahing
adhikain ng Oplan Sagip Tulay (OST) ay ang maisalba ang labing-dalawang
antigong tulay sa Lungsod ng Tayabas. Ang mga tulay na ito na yari sa adobe ay
itinayo pa noong panahon ng mga Kastila at ang pinakapamoso nga rito ay ang
Tulay ng Malagolong na matatagpuan sa Barangay Mateuna.
Nitong
Mayo 12 ay nagkaroon ng patimpalak sa pagpipinta at pagkuha ng larawan ang OST
na sinalihan naman ng mga kabataang Tayabasin. Libre ang mga materyales para sa
pagpipinta mula sa Lokal na Pamahalaan. Ang Tulay ng Malagonlong ang nagsilbing
venue at subject ng painting contest. Ang mga sumali naman sa photo contest ay
lumibot sa iba’t-ibang lugar sa Lungsod ng Tayabas para kunan ng larawan ang
iba’t-ibang landmark ng lungsod.
Upang
mas lalong magising ang kamalayan ng mga mamayan ay naglunsad ng isang
symposium ang OST na may pamagat na “Lihim
ng mga Lumang Tulay ng Tayabas”. Dinaluhan ito maging ng mga mamayan mula
sa karatig bayan. Bilang pagsisimula ng programa, pagbating mensahe ang
ipinarating nina Ginoong Gil Contreras, Quezon Heritage Council President at
Konsehala Wenda Saberola de Torres para sa mga dumalo sa symposium.
Ang
unang panauhin para sa symposium ay si G.
Manolo Noche, University of Santo Tomas Assistant Professor. Nagbigay siya
ng isang lecture na may titulong “Mga Kolonyal na Tulay sa Pilipinas at ang Halaga ng mga ito sa Kasaysayan ng
Pilipinas”. Ipinakita niya ang mga larawan ng mga lumang tulay sa Pilipinas
at nagbigay din siya ng ilang impormasyon tungkol sa mga ito.
Kasunod
naman si Asian Social Institute
Professor Rolando V. Redor Jr. na tinalakay ang titulong “Mga Kubling Sagisag sa mga Lumang Tulay ng
Tayabas” kung saan inilahad niya ang bagong teorya tungkol sa mga nakaukit
na simbolo na matatagpuan sa mga lumang tulay. Ayon sa kanya ang bagong teorya
na ito ay mga simbolo na isang uri ng dasal.
Pinarangalan
din sa symposium ang mga nagwagi sa painting and photo contest. Para sa
painting contest nagwagi sina Luis
Miguel Changco (1st), Mikee
Quinsanos (2nd) at Chanler Ebisa
(3rd). Ang nanalo naman sa photo contest ay sina Darren Magsipoc (1st), Paulo
Angelo Pastoral (2nd) at Ruel
Caseres (3rd).
Dumalo
sa symposium sina Mayora Ernida A.
Reynoso, Konsehala Lovely A. Reynoso
at Konsehala Precy Glorioso. Ang mga aktibidad na ito ng OST ay kabilang
sa pagdiriwang ng Tayabas Heritage Month Celebration na ginanap sa lungsod.
May 27, 2017 - CLEAN-UP OPERATION
Ito ay dinaluhan
ng ibat – ibang organisasyon sa Tayabas bilang boluntaryong maglilinis ng mga
tulay upang maibalik ang ganda ng mga ito. At para narin mabawasan ang damo at
mga halaman na nakapaligid sa mga ito. Ginanap sa mga tulay ng Mate, Lakawan at
Malagonlong na dinaluhan ng humigit kumulang apat na daang (400) katao mula sa
ibat ibang samahan organisasyon at mga barangay na nakakasakop sa mga naturang
tulay.
July 15 &
16, 2017 YOUTH FORUM ON HERITAGE in cooperation with the NATIONAL
COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS & FILIPINO HERITAGE FESTIVAL INC.
Youth Forum on
Heritage, dinaluhan ng taga-karatig bayan, sa
pagtutulungan ng Pamahalaang Lokal ng Tayabas, National Commission for the Culture and the Arts (NCCA), Filipino Heritage Festival Inc. (FHFI),
at Oplan Sagip Tulay (OST) ay isang
two-day symposium ang ginawa sa Casa Comunidad de Tayabas.
Tinatayang
aabot sa humigit-kumulang na siyamnapung mga kabataan mula sa Lungsod ng
Tayabas at sa mga kalapit bayan nito ang dumalo sa symposium na pinamagatang
Youth Forum on Heritage. Pormal na sinimulan ang symposium sa pamumuno ni
Crisanto B. Jamero, Project Coordinator, FHFI kung saan isa-isang nagpakilala
ang mga dumalo at nagbigay ng kanilang mga ekspektasyon para sa forum.
Ang
unang naging tagapagsalita ay si G.
Delan L. Robillos, Head, National Committee on Arts Galleries at Vice Head, Subcommission on Cultural
Heritage. Tinalakay niya ang mga kulturang pamana nating mga Pilipino.
Ipinaliwanag din niya na ang mga pamana sa atin ay hindi lamang ang mga
sinaunang mga material na bagay at mga istraktura kundi maging ang ating mga
gawi at tradisyon gayundin ang mga katutubong mga sayaw at awit.
Ang
ikalawang tagapagsalita ay si Attorney
Lucille Karen M. Isberto, Vice-President for Institutional Heritage and Sites
at tinalakay niya ang Heritage Law.
Ipinayo niya na tayo ay maging mapanaliksik upang maprotektahan natin ang mga
pamana sa atin. Idiniin niya na dapat ay alam natin ang mga batas upang
maipagtanggol ang mga pamana ng ating lahi.
Ang
huling naging tagapagsalita ay si G.
Ryan Palad, Local Historian ng Lungsod at tinalakay naman niya ang mga isyu
na may kinalaman tungkol sa lokal na kulturang pamana sa Lungsod ng Tayabas.
Isinalaysay
niya ang mga kasaysayan ng mga natitira pang mga makasaysayang istruktura sa
lungsod. May pangihihinayang din niyang tinalakay ang mga nawala at nasira ng
mga maksaysayang istruktura tulad ng mga sinaunang kanal na gawa pa sa adobe na
sa ngayon nga ay tuluyan ng nawala sa lungsod.
Nagkaroon din ng open-forum pakatapos makapag-salita ng mga panauhin at aktibo namang nakibahagi ang mga kabataan sa nasabing open-forum. Matapos ito ay isang workshop naman ang ipinagawa sa mga partisipante at dito nga nagtapos ang unang araw ng forum. Ang sumunod na araw ay inilaan para sa Heritage Tour. Bagama’t naging maulan ang araw na iyon ay nagkaroon pa rin ng pagkakataon na madalaw ng mga partisipente ang ilan sa mga makasaysayang lugar sa Lungsod ng Tayabas. Ang unang pinuntahan ay ang Puente de Gibanga. Ito ay isa sa labingdalawang (12) Spanish Colonial Stone Arched Bridges na matatagpuan sa Lungsod ng Tayabas. Ang natatanging katangian ng tulay na ito ay ito lang ang tulay na gawa sa pinaghalong tisa at adobe. (Ang labing-isa pang tulay ay gawa mula sa adobe lamang)
Nagkaroon din ng open-forum pakatapos makapag-salita ng mga panauhin at aktibo namang nakibahagi ang mga kabataan sa nasabing open-forum. Matapos ito ay isang workshop naman ang ipinagawa sa mga partisipante at dito nga nagtapos ang unang araw ng forum. Ang sumunod na araw ay inilaan para sa Heritage Tour. Bagama’t naging maulan ang araw na iyon ay nagkaroon pa rin ng pagkakataon na madalaw ng mga partisipente ang ilan sa mga makasaysayang lugar sa Lungsod ng Tayabas. Ang unang pinuntahan ay ang Puente de Gibanga. Ito ay isa sa labingdalawang (12) Spanish Colonial Stone Arched Bridges na matatagpuan sa Lungsod ng Tayabas. Ang natatanging katangian ng tulay na ito ay ito lang ang tulay na gawa sa pinaghalong tisa at adobe. (Ang labing-isa pang tulay ay gawa mula sa adobe lamang)
Nakakalungkot
isipin na baka ito na ang isa sa mga huling pagkakataon na makikita ang
natatanging disenyo nito na gawa sa tisa sa kadahilanang ang kabilang bahagi ng
tulay ay tuluyan ng nabuhusan ng semento at hindi malayong sa mga darating na
panahon ay matabunan na ng semento ang kabuuan nito at tuluyan ng matakpan ang
antigong disenyo ng tulay. Ang ikalawang
pinuntahan ay ang Puente de
Francisco de Asis. Sinasabing sa lahat ng labingdalawang tulay ay ito ang
may pinakamataas na arko. Ang ikatlong napuntahan naman ay ang Roman Catholic Cemetery sa Tayabas na
ginawa nong 1887 kung saan matatagpuan ang Camposanto de los Indios. Pumasyal
din ang grupo sa harapan ng Basilika
Menor ni San Miguel de Arkanghel at patuloy na nagkwento si G. Palad sa
kasaysayan ng hugis susi na simbahang ito na may pinakamahabang aisle sa buong
Pilipinas sa sukat na isangdaan at tatlong metro (103 meters). Tunay na nagalak
si Crisanto B. Jamero ng FHFI dahil
ayon sa kanya ay sa lahat ng symposium na napuntahan niya sa buong bansa ay
dito sa Lungsod ng Tayabas ang may pinakamaraming lumahok na kabataan. Bukod pa
dito, dahil na rin sa kadahilanang ang symposium ay ginanap sa isa mismong
makasaysayang lugar na Casa Comunidad de Tayabas. Inaasahan na mauulit muli ang
ganitong pangyayari sa lalong madaling hinaharap.
August, 2017 -
ADVENTURE TO DAGATAN
Isang paglalakbay papunta sa Lawa ng
Dagatan ang inorganisa namin sa Oplan Sagip Tulay noong nakaraang Agosto 20,
2017 na kinabibilangan ng ilang kawani
ng Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas at ilang volunteer na nais matunghayan ang
taglay nitong kagandahan na sa social media lang natin madalas makita. Ang Lawa
ng Dagatan ay matatagpuan sa Barangay Ibabang Palale, Lungsod ng Tayabas. Kung
lalakarin ng balikan ito ay tinatayang aabot sa humigit-kumulang labing-limang kilometro
at maaring tumagal ng anim hanggang sampung oras na paglalakad. Hindi biro ang lakarin para makarating sa
Dagatan. May ilog at mga sapa na kailangang daanan gayundin ang mga taas at
babang mga burol at ang maputik na lupa sa panahon na medyo o katatapos lang ng
ulan. Maraming magagandang tanawin ang makikita sa daraanan kung saan ay may
mga nakatalaga ring lugar na maaaring pagpapahingahan ng mga manlalakbay. Ang
isa pang atraksyon bago sumapit sa Dagatan ay ang isang malaki at matandang
puno na may napakalaking butas sa katawan nito ngunit nananatili pa ring buhay
hanggang sa kasalukuyan. Bagaman at may kahirapan ang paglalakbay papuntang
Lawa ng Dagatan ay sobrang sulit naman ang lahat ng pagod sa oras na kaharap mo
na ang mahiwagang Lawa ng Dagatan. Ayon sa mga taga-roon ay kailangang
mag-paalam sa mga “naninirahan” sa lawa sa tuwing bibisita dito. Ayon sa mga
taga rito, sa kasalukuyan ay dinarayo na rin ito ng mangilan-ngilang mga
banyagang turista at gayundin ng ilang mga mag-aaral para sa kanilang mga
research at proyekto. Kung magagawan lamang ng kalsada o pathway ay malaking
tulong na upang mas lalong maakit ang mga turista na dayuhin ang Lawa ng
Dagatan.
Iminumungkahi
lamang na iwasan ang mag-ingay ng husto at panatilihing malinis ang paligid at
wag mag-iiwan ng kalat kapag bumisita sa lawa.
Tulad
nga sabi sa isang kasabihan:
“Take
nothing but pictures,
Kill
nothing but time,
Leave
nothing but footprints.”
Nagpapasalamat
nga po pala kami kay Kapitan Emilio Naynes ng Ibabang Palale gayundin sa mga
Barangay Tanod na sina Helacio Jasolin Jr at Pedrito Caagbay na nagsilbing mga
guide sa pagpunta sa Dagatan Lake.
September 23, 2017
September 27, 2017
October 7, 2017 - BRIDGE
AND RIVER CLEAN-UP OPERATION AT
PUENTE DE ISABEL II, PUENTE DE FRANCISCO
DE ASIS; AND TWO (2) MORE PUENTECITO SITUATED IN BRGY. BAGUIO
Kasabay ng selebrasyon ng International Coastal Clean-up at Festejo delos Angeles isang paglilinis sa mga ilog at mga lumang tulay ng syudad ang isinagawa sa pakikipagtulungan ng LGU Tayabas, OST Tayabas, GSO/ESWM Unit .Umabot sa mahigit na tatlong daang (300) katao ang nakiisa sa Clean-Up Drive na ito. Dinaluhan din ito nina Konsehal Albert I. Dimaranan at Konsehala Precy O. Glorioso na nag-iwan din ng isang mensahe para sa taong dumalo sa pagtitipong ito. Maging si G. Romeo Cariaga – OIC –Eco Park ay nagbigay ng pananalita para sa okasyong ito.
Di naging
hadlang ang lakas at buhos ng ulan upang malinis ang dalawang “Puentecito”
o maliliit na mga tulay na matatagpuan sa Barangay Baguio. Nagsagawa din ng
paglilinis sa Puente de Isabel II at sa Ilog Iyam na matatagpuan sa Barangay
Malao-a. Kasunod nito ay naglinis din sa Puente de Don Francisco De Asis na
matatagpuan naman sa Barangay Calumpang. Nitong Setyembre 30 at Oktubre 7 ay
muling bumalik ang grupo kasama ang GSO –ESWM Unit, DRRM Office at Tayabas
Rescue Response Team sa Puente De Francisco de Asis upang ipagpatuloy ang
paglilinis sa nasabing tulay. May mga rapelling din upang mas lalo pang
pag-ibayuhin ang isinasagawang paglilinis at inaasahang babalik muli ang mga
grupong hanggang tuluyang malinis ang bahagi ng lumang tulay.
October 21, 2017 - OPLAN LINIS TULAY in cooperation with the Humanities and Social
Sciences of Tayabas City Division Stand Alone Senior High School Teachers,
Students and Barangay Officials
Isa muling paglilinis sa mga tulay ng Malagonlong ang isinagawa na may temang “Pangalagaan, Panatilihin, Pagyamanin ang Tulay ng Tayabasin” sa pakikipagtulungan ng mga studyante ng Humanities and Social Sciences of Tayabas City Division Stand Alone Senior High School Teachers at ng Barangay Officials at Tanod ng Lakawan at Mateuna. Nagsimula ang paglilinis ganap na ika-7 ng umaga na dinaluhan ng mahigit 150 katao mapa studyante, lider ng kabataan at mga opisyales ng barangay mula sa dalawang barangay na nakakasakop sa mga tulay. Matapos ang isinagawang paglilinis, nagsagawa ng kaunting pananalita at pagtalakay sa mga kwento sa likod ng mga lumang tulay na pinangunahan ni G. John Valdeavilla, isang Lokal na historian at myembro ng grupo. Natapos ang pagtalakay sa ganap na 11:00 ng umaga.
November 30 , 2017
December 1 & 2, 2017 CULTURAL HERITAGE PROMOTION
THRU
VLOGGING SEMINAR WORKSHOP
Kaalinsabay
ng pagdiriwang ng OST-Tayabas Heritage Group sa unang taon ng pagkakatatag
nito, isang workshop ang isinagawa sa unang araw sa Casa Comunidad de Tayabas
na dinaluhan ng mahigit 200 mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralang
pansekundarya ng lungsod ng Tayabas na may hilig sa pagkuha ng litrato at bidyo
upang magamit ang ganitong kakayahan upang mas higit na maipakilala at maipakalat kung anu-ano ang mga Pamanang
mayroon ang lugar na ito. Ito ay pinangunahan ng mga Youtube Vlogger’s mula
Maynila na nagbahagi ng kani kanilang ideya at kasanayan upang higit na
mapalawig ang kaalaman ng mga kabataang dumalo at maging kabahagi sa
pagpapakilala ng mga pamana ng lahi na mayroon ang Tayabas. Sa ikalawang araw
at pangatlo ay nagpun ta ang mga panuhin kasama ang mga napiling mga mag-aaral
upang personal na tunguhin ang mga nasabing Pamana ng Lahi kabilang ang
Simbahan ng Basilika Minor de San Miguel Arkanghel at ilan sa mga lumang tulay
at ngtungo rin sa mga kilalang establishment upang isama sa ginagawang video
blog.
Matapos ang
naturang mga aktibidad, ilan sa mga dumalong mga studyante mula sa ibat-ibang
skwelahan sa lokalidad ay nagpakita ng suporta at lumapit upang maging kabahagi
na sa lahat ng pagawain at adbokasiya ng grupo sa pamamagitan ng pagsapi mismo
sa grupo. Naganap ang sunod-sunod na pagpupulong upang isaayos ang pagiging
myembro ng mga naturang kabataan. Disyembre 23, 2017 ng naganap ang unang Team
Building activity na ginanap sa GraceLand Estate and Country Club na dinaluhan
ng mga bagong myembro ng grupo kung saan nagsagawa ng mga aktibidad na mas
lalong magpapaigting ng pagkakaisa ng bawat isa as a group higit sa lahat ay
teamwork upang maging tagumpay ang mga susunod na programa at gawaing isasagawa
ng grupo ngayon taong 2018. Sa mga pagpupulong ay nabuo ang ideyang magsagawa ng Cultural and Traditional Folk
Dance Competition na gagawin sa darating na Mayo 7, 2018 kaalinsabay ng
pagdiriwang ng taunang Mayohan Festival ng Lungsod ng Tayabas na lalahukan ng
mga paaralan at studyante na hinati sa dalawang kategorya; ang Elementary
School Category at Secondary School Category.
Ilan lamang ang mga ito sa mga hakbang upang higit na mabigyang pansin at
halaga ang labindalawang tulay ng Tayabas o mas kilala sa 12 Spanish Colonial
Bridges of Tayabas. Sa pakikipagtulungan ng Pamahalahaang Lokal ng Lungsod ng
Tayabas sa pangunguna ni Mayora Ernida Agpi Reynoso at Vice – Mayor Nick Abesamis
at ng Sangguniang Panlungsod ay patuloy ang grupong ito sa pagsulong upang
pangalagaan ang mga yaman ng Tayabas at upang maipakita sa kasalukuyang
henerasyon ang kontribusyon nito sa Lungsod ng Tayabas na minsang naging piping
saksi sa kasaysayan ng Lungsod. Isa ito sa mga layunin na ipinaglalaban at
isinusulong para sa tunay at ganap na pagkilala at pagbibigay importansya sa
mga natatanging kayamanan ng Lungsod.
OST TAYABAS HERITAGE GROUP
2018 Accomplishment Reports
Symposium, Clean Up Operation
& Other Activities
March 3, 2018 1ST
QUARTER CLEAN-UP
DRIVE OPERATION @
PUENTE
DE MALAGONLONG
Isang
paglilinis sa tulay ng Malagonlong ang isinagawa noong ika - 3 ng Marso taong
kasalukuyan sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang organisasyon. Ganap na ika-7 ng
umaga sinimulan ang paglilinis na dinaluhan ng mahigit 200 katao kabilang ang
grupo ng Cultural Heritage Preservation Office, OST- Tayabas Heritage Group,
Tourism Office, IT Secion, Tayabas Rescue Response Team, KALIPI, Eco-Aide at
ilang residente ng Barangay Mateuna at Brgy. Lakawan. Ang mga grupong ito ay
boluntaryong nakiisa sa adhikaing maibalik ang ganda at kalinisan ng mga
makasaysayang tulay sa lungsod ng Tayabas.
Sa
pagsisimula ng aktibidad nagkaroon ang ibat- ibang grupo ng kanya-kanyang
gawain na nagpaabala sa lahat, una ay ang pagtatabas ng mga damo sa ibabaw at
paligid ng tulay na ginamitan ng grass
cutter, mayrong nagwalis at nagpulot ng basura, mayroon ding nag-isis ng
dungawan ng tulay at nagbunot ng mga damo na tumutubo dito, ang iba naman ay
nagputol ng ugat na kumakapit sa tabi at ilalim ng tulay, ang pagputol na ito
ay ginamitan rappelling sa pangunguna ng Tayabas Rescue Response Team.
Natap os ang naturang aktibidad sa
ganap na ika-sampu (10:00 am) ng umaga. At ang kaaliwalasan ng tulay ng
Malagonlong ay muli na namang nasilayan at napanatili.
Oktubre 27,
2018 PUENTE DE ESE AND PUENTE DE BAI
CLEAN-UP
Isa nanamang paglilinis ng tulay ang isinagawa noong ika-27
ng Oktubre taong kasalukuyan sa pakikipagtulungan ng Cultural Heritage
Preservation Office (CHPO), Oplan Sagip Tulay (OST), City Museum Office,
Tanggol Kalikasan (TK), at ng Tayabas Rescue Response Team
Bandang a las 7 ng umaga sinimulan ang paglilinis ng mga
nasabing tulay. Hinati sa dalawa ang mga nag boluntaryong dumalo upang mas mapabilis
ang trabaho ng bawat isa. Sa unang panig ay pinamunuan ni Ginoong Michael
Vincent Pabulayan at sa kabila naman ay pinamunuan ni Ginoong Ian Avegail
Buduan.
Sa kampo ng Barangay Camaysa sumama ang ating mabuting mga
miyembro ng Tayabas Rescue Response Team sa kadahilanang mas mataas ang Puente
de la Ese at mas kinakailangan malinis ang haligi ng arko ng tulay sa
pamamagitang ng Rappelling. Sa kampo ng Barangay Dapdap naman sumama ang ilang
miyembro ng OST at ng Tanggol Kalikasan (TK) upang mag tabas ng damo sa ibabaw
at ilalim ng tulay tulay nag ginagamitan ng grass cutter, mayroon ding nagwalis
at nagpulot ng basura.
Ganap na a las 12 ng tanghali ay nagtapos ang paglilinis ng
tulay at sinundan naman agad ito ng socialization ng mga nagsidalo. Sa pagtutulong-tulong
ng iba’t-ibang organisasyon ay naisakatuparan ang adhikain ng bawat isa na
malinis at mapreserba ang ating mga yamang pamanang tulay.
November 24, 2018 PUENTE DE ALITAO INTER-ORGANIZATIONAL
ASSEMBLY & CLEAN UP DRIVE OPERATION
Noong nakaraang 24 ng Nobyembre taong
kasalukuyan ay nagsagawa nanaman ng paglilinis ng ating mga yamang pamanang
tulay, at isa nga dito ay ang Puente de Alitao ng Barangay San Isidro zone III
ng Lungsod ng Tayabas.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga
organisasyong kasapi tulad ng; Cultural Heritage Preservation Office, City
Museum, Oplan Sagip Tulay (OST), Tayabas Rescue Response Team, GSO-Eco Solid
Waste Management Office, Sanguniang Barangay ng San Roque at San Isidro, Tapat
Kalikasan, RGen Quezon Riders, LPHIS, CENRO, DRRM, Tayabas Baker Association,
at Tau Gamma Phi ay naisakatuparan ang adhikaing malinis at maalagaan ang ating
mga natatanging tulay ng Tayabas.
Bandang A las 7 ng Umaga sinimulan na
ang paglilinis ng tulay iba’t ibang organisasyon iba’t iba din ang trabaho.
Tulad ng OST member sa pag pupulot ng basura na nakakalat sa may mga kabahayan,
ang Eco-Aide na siyang namamahala sa mga basura at ang pag hihiwalay nito sa
nabubulok at sa hindi nabubulok, ang Tayabas Rescue na silang naglinis ng haligi
ng tulay sa pamamagitan ng Rappeling, at
ang iba naman ay nag tabas ng damo at nag balaas ng lumot sa arko ng mismong
tulay.
Halos may isangdaan katao ang nagsidalo
o mahigit pa, nang dahil sa pagtutulungan ng lahat ng ito hindi naging ganon
kahirap ang trabaho dahil makikita mo na masaya ang lahat sa kanilang ginagawa
at alam ng bawat isa ang kadahilanan kung bakit sila naroroon. Hindi matawaran
ang kagandahan ng Puente de Alitao ng ito’y nalinis at ang ngiti ng bawat isa
ng ito’y makita.
No comments:
Post a Comment