Pakikiisa ng Oplan Sagip Tulay Tayabas Heritage Group Inc. sa paggunita ng ika- 144 na araw ng kapanganakan ng ating dating pangulo at Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon.
Alinsunod sa Probisyon blg. 6741 o ang batas na nagtatakdang gunitain ang araw ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L. Quezon tuwing ika-19 ng Agosto.
Ipinanganak siya sa bayan ng Baler, Tayabas ( na ngayon ay Baler, Aurora). Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina na kapwa guro.
Sa liderato, Si Quezon ay naging gobernador ng Lalawigan ng Tayabas(ngayon ay Quezon) taong 1906-1907, naging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas at naging unang pangulo naman ng Pamahalaang Komonwelt. Ilan lamang ang mga ito sa mga lideratong ginampanan ni Quezon.
Bunga nito ay malaki ang kanyang naiambag pagdating sa kultura, kasaysayan, at wikang maituturing nating kayamanan.
Namatay si Quezon sa edad na 66 noong Agosto 1, 1944 sa New York, Estados Unidos Amerika dahil sa sakit na tuberkulosis. Sa Arlington National Cemetery unang inilibing ang kanyang labi, inilapat noong Hulyo 19, 1946 sa Manila North Cemetery, at inilipat muli noong Agosto 19, 1979 sa Quezon Memorial Circle kung saan ay tuluyan ng inilagak ang kanyang labi.
Kinikilala si Manuel Quezon bilang isa sa mga naging dakilang pangulo ng Pilipinas dahil sya ay nanilbihan sa ating bansa ng may dangal at pagpupunyagi. Nagkaroon tayo ng wikang pambansa dahil sa umaapaw nyang pagmamahal sa ating bansa. Hindi sya nagpatinag sa mga pinagdaanan nya noong panahong pananakop ng mga Amerikano upang makamit lamang ang inaasam nating kalayaan.
No comments:
Post a Comment