𝐃𝐨𝐧 𝐋𝐮𝐢𝐬 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐝 𝐘 𝐕𝐚𝐥𝐝𝐞𝐚𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚
( Agosto 19, 1842 - Disyembre 3, 1896)
Paggunita sa ika-180 taong kapanganakan ni Don Luis Palad Y Valdeavilla, isang guro na may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon ng bawat Tayabasin.
Anak siya nina Don Pedro Palad at Angela Saturnina Valdeavilla, isinilang noong Agosto 19, 1842 sa bayan ng Tayabas.
Nagtapos ng pag-aaral bilang guro sa Paaralang Normal sa Maynila. Napangasawa niya si Doña Dolores Lopez ngunit sa loob ng anim na taon nilang pagsasama ay hindi pinalad na magkaroon ng anak.
Sa pagkakaloob niya ng 20 ektaryang niyugan sa Colong Colong ( na ngayon ay Talao-talao sa Lungsod ng Lucena), ay nagtatag siya ng isang TRUST upang mula sa kinikita nito ay maitatag at masuportahan ang isang mataas na paaralan sa bayan ng Tayabas.
Ipinagkaloob din niya ang kaniyang malawak na lupain sa Barrio Ipilan upang pagtayuan ng mataas na paaralan na ngayon ay Luis Palad Integrated High School.
Tunay nga na kay PALAD ng mga Kabataang Tayabasin dahil hindi lamang regalong panandalian ang ipinigkaloob ni Don Luis Palad bagkus, regalong pangmatagalan sa larangan ng Edukasyon na magbubunsod upang mas lalo pang mapayabong ang karunungan ng bawat Tayabasin.
No comments:
Post a Comment