Location : Monumento ni Manuel L Quezon , Municipal Building, J.P. Rizal Street, Tayabas City, Quezon.
Date : August
19, 2022
Pasado
ika-8 na nang magsimula ang maikling programa para sa pag aalay ng parangal sa monumento
ni Manuel Luis Quezon na matatagpuan sa Annex Building sa tagiliran ng
Munisipyo. Sa pangunguna ni G. Patrick Paceos ay tinawag ang lahat ng dumalo
upang pumunta sa unahan ng monumento para pormal na buksan ang pag aalay ng
bulaklak. Kasama sa mga tinawag ang PNP, BFP, Knights of Columbus, OST Tayabas
Heritage Group Inc., at buong tauhan ng CHPO. Matapos ang pagtatawag ng mga
dumalo ay agad na dumiretso sa pagdadala ng mga bulaklak papuntang paanan ng
monumento upang ialay sa dating pangulong Manuel L. Quezon. Naunang mag alay
ang mga tauhan ng CHPO sa pangunguna ni G. Koko Pataunia, sinundan naman ito ng
PNP, BFP, Knight of Columbus, at ang huling nag alay ay ang samahan ng OST-THG
Inc. Matapos mag alay ng mga bulaklak ay nagkaroon ng photo opportunity ang mga
dumalo. Nagtapos ang programa sa pasasalamat at pamimigay ng makakain para sa
mga dumalo ang tauhan ng CHPO katulong ang mga miyembro ng OST Tayabas.
No comments:
Post a Comment