Wednesday, June 23, 2021

CIRIACO ABAR AT ANG BAYANI NG TAAW

Ciriaco Abar. Isang mayamang taga-Alupay sa bayan ng Tayabas ang nagpamalas ng kabaitan at pagiging makabayan at naging bahagi ng kasaysayan ng Tayabas. Siya ay naging kapitan ng Barangay Alupay o Cabeza de Barangay. Mas kilala siya sa tawag na Kabesang Diako. Noong Septembre 1, 1897 panahon ng rebelyong Taaw ay sa kaniyang mansyon sinasabing tumuloy upang kumain, mamahinga at magpulong ang mga rebolusyunaryong nagbuhat sa Bundok ng Taaw bago sila lumusob at mag[1]alsa laban sa Kastilang pamahalaan.

Ang tahanan ni Kabesang Diako o Ciriaco Abar ang pinakamalaking bahay noon sa barangay Alupay. Ang pagigi niyang maykaya sa buhay ang isa sa mga dahilan upang siya ay maluklok bilang kapitan ng lugar subalit higit pa doon ang kanyang katangian bilang namumuno. Ang kaniyang pagiging makabayan at matulungin sa kapwa ay nagpatibay sa kaniyang pagka-Cabeza o pinuno ng Barangay Alupay. Bilang Cabeza de Barangay ay nagbigay siya ng suportang pagkain at pinansyal sa mga katipunero. Noong mga panahon na iyon hindi niya alintana ang panganib ng kaniyang pagtulong sa mga rebolusyunaryo. Ang tangi niyang pinairal ay ang pagiging makabayan, makatao at matalik na kaibigan ng noo’y namumuno sa rebelyon na si Heneral Mariano Jardiniano na kagaya ni Ciriaco Abar ay taga-Alupay.


Mula sa pananaliksik ni M. Mabuting/OST THG Member

No comments:

Post a Comment