Wednesday, June 23, 2021

CIRIACO ABAR AT ANG BAYANI NG TAAW

Ciriaco Abar. Isang mayamang taga-Alupay sa bayan ng Tayabas ang nagpamalas ng kabaitan at pagiging makabayan at naging bahagi ng kasaysayan ng Tayabas. Siya ay naging kapitan ng Barangay Alupay o Cabeza de Barangay. Mas kilala siya sa tawag na Kabesang Diako. Noong Septembre 1, 1897 panahon ng rebelyong Taaw ay sa kaniyang mansyon sinasabing tumuloy upang kumain, mamahinga at magpulong ang mga rebolusyunaryong nagbuhat sa Bundok ng Taaw bago sila lumusob at mag[1]alsa laban sa Kastilang pamahalaan.

Ang tahanan ni Kabesang Diako o Ciriaco Abar ang pinakamalaking bahay noon sa barangay Alupay. Ang pagigi niyang maykaya sa buhay ang isa sa mga dahilan upang siya ay maluklok bilang kapitan ng lugar subalit higit pa doon ang kanyang katangian bilang namumuno. Ang kaniyang pagiging makabayan at matulungin sa kapwa ay nagpatibay sa kaniyang pagka-Cabeza o pinuno ng Barangay Alupay. Bilang Cabeza de Barangay ay nagbigay siya ng suportang pagkain at pinansyal sa mga katipunero. Noong mga panahon na iyon hindi niya alintana ang panganib ng kaniyang pagtulong sa mga rebolusyunaryo. Ang tangi niyang pinairal ay ang pagiging makabayan, makatao at matalik na kaibigan ng noo’y namumuno sa rebelyon na si Heneral Mariano Jardiniano na kagaya ni Ciriaco Abar ay taga-Alupay.


Mula sa pananaliksik ni M. Mabuting/OST THG Member

Thursday, June 17, 2021

Puente de Alitao: An Urban Community Bridge

If the town of Tayabas was a castle surrounded by a moat, Puente de Alitao would be its drawbridge, connecting it to one of the roads to Lucena. Puente de Alitao spreads low above the Alitao River and was originally built as a wooden bridge in 1798 by Don Jose Medio. In 1823, it was rebuilt as a 253 stone bridge by Don Diego Urbano. Puente de Alitao is a charming structure flanked by a barangay park on one side, and the rushing waters of Alitao on the other side.

Through the years, however, legal battles and population growth have taken their toll on the picturesque environs of the bridge. Informal settlers have constructed their homes at the easement of the riverbanks, a situation that many urbanized and urbanizing localities in the Philippines have to deal with.

Beneath Alitao’s arches, sometimes local women do their laundry amidst the huge boulders that have been brought by the power of water rushing down from Mt. Banahaw. These women (and some men and children) are fortunate to have a continuous supply of free water and to live amidst the beauty of nature. This would not be a big problem if they were able to live in harmony with the environment. Harsh detergents, bleach and other household waste now pollute the once pristine waters of Alitao River, and even if they do not as yet feel the effects, it is quite possible that downstream there are already impacts of these urban (mal)practices. 









Tuesday, June 15, 2021

As per Juan Alvarez Guerra:
"After passing the tubiganes or irrigated fields, cultivated in tiers which are planted to rice we saw on the other side big flocks of white herons.
Then we descended into the craggy hill of Despedidas, whose foot touches a rivulet and over there is seated the bridge of that name which was given, according to my research and finding, because it was the place designated by custom to bid goodbye and to send off those who would leave Tayabas. How tender the scenes must have been for the people of Tayabas bidding von voyage to those who were to leave their place! How much tears must have been absorbed by its warm sand! How many fugacious promises may have been witness to such parting!
Source: J.M. Pedrano, 1985: From Manila to Tayabas; A translation of the Book in Spanish- De Manila A Tayabas por Juan Alvarez Guerra.






 

Monday, June 14, 2021

123rd INDEPENDENCE DAY CELEBRATION

OFFICIAL STATEMENT

June 12, 2021


Tulad kung paano hinarap ng mandirigmang Pilipino ang hirap at sakripisyo, pagsasakripisyo ng buhay para makamtam ang Kalayaan ng bansang matagal na nalugmok mula sa pagkaka alipin. Ang Tulay ng Malagonlong ang isa sa mga nagsilibing piping saksi sa mga bagay na naganap sa mga nagdaang panahon. Bagamat walang kakayahang maglabas ng sentiment, nanatili s’yang matatag na simbolismo ng kayamanan, katatagan at kalayaan. Nanatiling matatag – hinaharap ang lakas ng agos sa panahong naghihimagsik ang tubig.


Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, nawa ay alalahanin natin kung paano iwinagayway ang watawat ng pilipinas at kwento sa likod bawat pag indayog ng telang may apat na kulay. Alalahanin natin ang lahat ng sakripisyo at nawa’y hindi natin sayangin ang lahat ng ito lalo na sa panahong unti unti nanamn tayong sinusubok ng kolonyalismo. 


Ngayon, ika -12 ng Hunyo taong 2021, ang OPLAN SAGIP TULAY – TAYABAS HERITAGE GROUP ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ating ARAW NG KALAYAAN. 

Isang mapagpalayang araw po sa ating lahat. 

#RaisedOurFlag 

#PilipinasKongMahal














 

Friday, June 4, 2021

SANTAKRUZAN SA IBABANG PALALE: CELEBRA 2021

Ang ritwal ng Santakrusan o Awit sa Dalit ay isinasagawa tuwing buwan ng Mayo taon-taon sa ibat-ibang linang sa bayan ng Tayabas. Ito ay paawit na isinasalaysay ang kwento ng paghahanap ni Santa Elena at ng kanyang anak na si Contantino sa Krus na kinamatayan ni Hesus. Sinisimulan ang ritwal tuwing ika-3 ng Mayo sa bahay ng kabisilya at magtatapos tuwing ika-huling biyernes ng nasabing buwan, ang huling gabi ay tinatawag na Celebra (salitang espanyol na ibig sabihin ay ipagdiwang).

          Nitong Mayo 28, 2021, biyernes, huling araw ng Santakrusan sa Brgy. Ibabang Palale ay dumalo ang grupo ng OST-Tayabas Heritage Group Inc. upang masaksihan at makiisa sa isinasagawang ritwal ng Santakrusan sa lugar. Ang ritwal na ito o ang Celebra ay sinimulan ng araw na iyon sa ganap na ika-3 ng hapon at natapos ng ika-5 ng umaga ng sumunod na araw, Mayo 29, 2021. Nagsimula ito sa unang balwarte na gawa sa kawayan, may mga pinta ng kurus, santo at santa, sa kalye patungong kapilya ng Our Lady of Visitation Parish,Brgy. Ibabang Palale. Ang disenyo nito ay iwinangis sa kapilya. Pinamunuan ni Gng. Tomasa Llaneta (Aling Toma) ang awit at pagtugtog naman kay G. Isabelo Cabuyao (Mang Beloy) gamit ang kaniyang gitara.

          Ang libro ng Celebra ay naglalaman ng sampung bahagi na siyang isinasalaysay ng paawit sa buong ritwal. Pupunuan ito sa emprenta ng libro o ang pinagmulan ng kwento na isasalaysay (history). Ang mga nagsidalo sa Celebra ay paawit na tutugon sa poga na ituturan ng namumuno, ang mga tinutugon ay magmumula sa emprentang libro na kanilang hawak.  Sunod dito ay ang Susi ng libro, kwento ng susing pinanday upang mabuksan ang mahiwagang librong nakita sa kabundukan. Sunod naman ay ang Binyag sa Roma, tungkol ito sa pagbibinyag ng mga Obispo sa boong Emperio ng Roma at talambuhay ni Santa Elena at pagsilang ng kaniyang anak na si Constantino. Ang ika-apat na bahagi ay ang Celebra de Puerto 3 Balwarte, sa bahaging ito lumilipat na ang mga nagsisispagdalit sa pangalawang balwarte, ang ikalawang barwarte ay isinunod naman sa disenyo ng kumbento na katabi ng kapilya. Sunod ay ang pagpuri sa tatlong balon, dito’y dinadasalan nila ang mga balon na umaapaw sa dami ng tubig. Sa aktuwal na awit sa dalit ang magsisilbing balon na siyang dadasalan ay ang mga batangan sa harapan ng kumbento. Ang kasunod nito ay ang Verso Capitolo, ang wika ng Reynang Mahal kung saan ay iniutos ng reyna na pagalingin ang matandang pipi. Ang ika-pitong bahagi ay ang pagtitibag at puri sa Tatlong Crus at ang pagsayaw ng Harigading. Ang bahaging ito ay isinasalaysay ang pagkakita ng kurus na kinamatyan ni Hesus na nasa ilalim ng kinatitirikan ng simbahan, ito’y dinasalan at sila’y nagdiwang at nagpapuri sa pagkakita ng krus sa pamamagitan ng pagsayaw ng buong galang sa harapan ng krus. Ang pagsasayaw na ito ay sinasabayan ng awiting harigading habang umiindak ang kanilang mga paa at sinasabayan ng kumpas ng kanilang mga sambalilo. Ang sumunod naman dito ay ang pagbubukas ng Cortina o ang pagdadala ng krus na namataan pababa sa kabundukan upang dalhin sa kabayanan. Ika-9 na bahagi ay ang pag-aatang at pag-iestasyon, ang bahaging ito ay nagsasalaysay sa pag-aatang sa kurus upang ilibot sa kabahayan, dasalan at papurihan ng mga Santo at Santa. Ang huling bahagi ay ang pagpupundar, pagtatayo ng Ermitang paglalagyan ng krus na kinamatayan ni Hesus. Ang huling bahagi ng ritwal ay nakalipat na sa loob ng simbahan ng Our Lady of Visitation Parish, natapos ito ng bandang ala-5 ng umaga.

          Sa pagtatapos ng ritwal hindi alintana ng mga nagsidalo ang puyat at pagod, pagkalabas ng simbahan ang mga ito ay masigla at muli pang nagsayaw ng Harigading tanda ng pasasalamat sa mga biyayang ibinigay ng maykapal at kanilang tinatamasa mula noon hanggang sa kasalukuyan.