Ang Monumento ng mga Gerilya na matatagpuan malapit sa Tulay ng Alitao o mas kilala sa tawag na rotonda.
Tinatayang itinayo ito noong 1968 sa panahon ni Mayor Carmelo Carillo Nadera. Ayon kay Sir Conrado Jalla Padua, Editor-in-Chief ng Pulot-Pukyutan ang opisyal na pahayagan ng Lungsod ng Tayabas, matatagpuan dati ang monumento ni Andres Bonifacio na may hawak na bandera dito mismo sa kinatatayuan ng monumentong ito ngunit ito ay tinanggal at pinalitan .
Pinalitan ito ng monumento ng Guerrilla sapagkat ninanais ng mga myembro ng gerilyang Tayabasin na mas makilala ang samahan nila at sa paningin ng mga guerilla ay walang kinalaman at hindi taga dito si Bonifacio sa Tayabas at noon ay wala pa ang mga grupo na kampi kay Bonifacio kaya walang tumutol sa pagtanggal ng monument ni Bonifacio dito.
Ipinag-utos ng dating Punong Bayan Kgg.Carmelo Nadera kay Mario Egamino na noon ay isang Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) na itayo ang monumento ng Guerrilla.
No comments:
Post a Comment