Monday, September 9, 2024

𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔: 𝗣𝗨𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗘 𝗟𝗔𝗦 𝗗𝗘𝗦𝗣𝗘𝗗𝗜𝗗𝗔𝗦

𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗡𝗔: 𝗣𝗨𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗗𝗘 𝗟𝗔𝗦 𝗗𝗘𝗦𝗣𝗘𝗗𝗜𝗗𝗔𝗦

Ang Puente de las Despedidas na kilala bilang "Tulay ng Pamamaalam" at isa sa labing isang (11) makasaysayang lumang tulay sa Tayabas na deklarado bilang Pambansang Yamang Kultural ng Pilipinas.

Ayon sa mga kwentong lokal, dito sa lugar nna ito nagpapaalaman ang mga Tayabasin sa tuwing maghahatid ng mga luluwas ng ibang bayan. Ito ay matatagpuan sa parteng dulong daan ng Tayabas patungong Lucban at ang dating ruta papuntang Manila o Laguna. Ito ay itinayo kasabay ng ilan pang mga lumang tulay sa Tayabas, na may isang arko sa ibabaw ng ilog ng maliit na ibiya sa Barangay Camaysa. Ang tanging natitirang bahagi nito ay ang pader ng spandrel, arko, at abutments.

Ang konkretong tulay ay ginawa sa itaas na bahagi nito at nadadaanan sa lahat ng uri ng sasakyan. Ito ay malapit sa tanyag na kainan at resort, ang Nawawalang Paraiso Resort and Hotel / Kusina ni Pareng Avel.

#spanishcolonialbridges
#pambansangyaman
#PamanangLokal






 

No comments:

Post a Comment