Sunday, January 12, 2020

MURO DE PIEDRAS: STONEWORKS IN TAYABAS DURING THE SPANISH COLONIAL TIMES


Tinalakay ni G. Mark Anthony Glorioso, kawani ng National Historical Commission of the Philippines, Shrine Curator ng Jesse Robredo Museum sa Naga, Camarines Sur, isang local historian na siyang tumayong Resource Speaker sa OST THG Year End Assembly na ginanap noong Disyembre 21, 2019 kaalinsabay ng pagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng grupo. Dito ay tinalakay ni G. Glorioso ang ibat ibang kwento patungkol sa kung anu ang kahulugan ng mga marka na nakaukit sa mga lumang tulay ng Tayabas, dito ay ipinahayag nia ang kanyang sariling bersyon ng pinagmulan ng mga naturang letra taliwas sa mga naunang teorya. Tinalakay din niya ang ibat ibang mahahalagang pangyayare na naganap sa bayan ng Tayabas at maging ang kasaysayan ng mga lumang tulay ng Tayabas. Iginawad ni G. Kevin Pabulayan, Tagapangulo ng grupo ang sertipiko ng pagpapahalaga kay G. Glorioso bilang naging tagapagsanay sa araw na ito.

















Friday, January 10, 2020

RESOLUTION NO 19-135

RESOLUTION REQUESTING CITY MAYOR  TO CONSIDER AND PRIORITIZE THE PURCHASE OF IMMEDIATELY ADJACENT PROPERTIES TO THE EXISTING MALAO BRIDGE IN ORDER TO REALIZE THE INTENDED CONSTRUCTION OF ALTERNATE BRIDGE IN CONSIDERATION OF THE DEFECTIVE CONDITION OF THE AFOREMENTIONED.








Thursday, January 9, 2020

AMENDED ORDINANCE REGARDING THE PRESERVATION RESTORATION AND MAINTENANCE OF TAYABAS BRIDGES


ORDINANSA BLG. 17-18

Isang Ordinansang sumususog (amending) at nagsasapanahon (updating) sa Kautusang Bayan Bldg. 97-10 (Isang ordinansang nagtatakda ng mga alituntunin sa pangangalaga (Preservation), pagpapanumbalik (restoration) at pagpapanatili (maintenance) ng mga makasaysayang tulay sa Bayan ng Tayabas) na naunang isinabatas noong Oktubre 22, 1997 at pinagtibay sa pamamagitan ng Resolusyon Blg. 97-84.












RESOLUTION FOR CULTURA HERITAGE PROTECTION AND PRESERVATION


RESOLUTION NO. 04-45

AN ORDINANCE PROVIDING FOR THE PROTECTION AND PRESERVATION OF LOCAL CULTURAL HERITAGE OF TAYABAS QUEZON.









Wednesday, January 8, 2020

Casa Real / Pamahalaang Bayan ng Tayabas

Ang tanggapan ng pamahalaan noong panahon ng pananakop ng Espanya ay tinawag na Casa Real o Bahay ng Hari. Ayon sa Buzeta at Bravo noong 1851, ang Tayabas ay may isang Casa Real kung saan ang Alkalde Mayor, na siyang tumatayong gobernador ng lalawigan. Ang kasalukuyang Pamahalaang Bayan ay siya paring dating pwesto kung saan ito itinayo noon. Ang Pamahalaang Bayan ay itinayo noong 1880 at ipinagawa noong panahon kung saan laganap pa ang mungkahi sa malawak na paggamit ng adobe, na nagreresulta sa mga pader ng isang metro sa kapal. (Ang mga pader ng makapal na adobe ay nasisiraan ng loob ng gubyerno pagkatapos ng malubhang 1863 at 1880 na mga lindol na tumama sa Maynila, tulad ng nabanggit). Ang archway mula sa adobe na animo’y bumabati sa bisita sa dumarating na tao ay nagpapahiwatig ng magandang pakiramdam. Ngunit ang kisame at taas na bahaging gawa sa kahoy ay nawasak sa pambobomba noong 1945. Ang buong gusali ay muling itinayo noong 1954 gawa na sa pamamagitan ng reinforced concrete at wood. Ang gusali ay nagpapakita ng karangalan, salamat sa balkonahe at portico sa harap at sa seremonyal na hagdan sa loob. 


Casa Real / Pamahalaang Bayan ng Tayabas


Old Photos of Parke Rizal


Rizal Day Flag Raising and Wreath Laying Rites at Parke Rizal

Last December 30, 2019 at about 9:00 AM, officers and members attended the Rizal Day Flag Raising and Wreath Laying Rites at Parke Rizal, Barangay San Diego Zone I, Tayabas City. This day marks the 123rd death anniversary of our great national hero, Dr. Jose P. Rizal with the theme "Jose Rizal: Huwaran ng Pilipino sa Ika dalawampu't Isang Siglo."








Thursday, January 2, 2020

BANDSTAND NG TAYABAS NGAYON


Itinuturing na karaniwang istruktura lamang ang "bandstand" o pergola sa iba. Sa Tayabas, ang bandstand ay hindi bahagi ng pambayang parke o Rizal Park na nakaharap sa Munisipyo ng Tayabas. Nakapaligid dito ang Casa Comunidad, ang Basilica de San Miguel Arkanghel, ang lugar ng Escuelapia na ngayon ay kinatatayuan ng Tayabas West Central School. Nakaharap ang bandstand ng Tayabas sa mga bahay ng mga mayayamang angkan o principalia ng Tayabas simula pa noong panahon ng Kastila.

Ang Bandstand ng Tayabas ay itinayo sa pagitan ng taong 1925 at kaagahan ng 1930's. Ang Lend-A-Hand Society, na itinatag noong May 24, 1918, ang samahan na nagsumikap upang maipatayo ito. Sila ang itinuturing na kauna-unahang grupong pansibiko sa Tayabas sa pagpasok ng panahon ng Amerkano. Muling inayos ito noong 1955 nang nasabing samahan ay naging tampukan ng iba't ibang kaganapang pulitikal at maging sosyo-kultural. - Source: BAYAN NG TAYABAS KASAYSAYAN AT KALINANGAN (1575-1985) ni Sir Ryan V. Palad

-----------------------------------------------------------------------

Ang kuhang litrato ay ang kasalukuyan nitong anyo matapos isaayos ng administrasyon ni Kgg. Punong Lungsod Ernida Agpi Reynoso. Tinutulan ito noong una dahil sa pananaw ng iba ay nangangambang mawala ang pagka orihinal na anyo nito ngunit muling naisaayos matapos magkaroon ng ibat ibang pagpupulong kasama ang mga naturang oposisyon na siyang naging batayan upang ipagpatuloy ang konstruksyon. Sa ngayon ay may ilan pading kontra sa naging pagbabago sa BANDSTAND ngunit mas marami sa mga Tayabasin ngayon ang natutuwa at kontento sa kinalabasan ng mas maayos at maaliwalas na BANDSTAND.