Itinuturing na karaniwang istruktura lamang
ang "bandstand" o pergola sa iba. Sa Tayabas, ang bandstand ay hindi
bahagi ng pambayang parke o Rizal Park na nakaharap sa Munisipyo ng Tayabas.
Nakapaligid dito ang Casa Comunidad, ang Basilica de San Miguel Arkanghel, ang
lugar ng Escuelapia na ngayon ay kinatatayuan ng Tayabas West Central School.
Nakaharap ang bandstand ng Tayabas sa mga bahay ng mga mayayamang angkan o
principalia ng Tayabas simula pa noong panahon ng Kastila.
Ang Bandstand ng Tayabas ay itinayo sa
pagitan ng taong 1925 at kaagahan ng 1930's. Ang Lend-A-Hand Society, na
itinatag noong May 24, 1918, ang samahan na nagsumikap upang maipatayo ito.
Sila ang itinuturing na kauna-unahang grupong pansibiko sa Tayabas sa pagpasok
ng panahon ng Amerkano. Muling inayos ito noong 1955 nang nasabing samahan ay
naging tampukan ng iba't ibang kaganapang pulitikal at maging sosyo-kultural. -
Source: BAYAN NG TAYABAS KASAYSAYAN AT KALINANGAN (1575-1985) ni Sir Ryan V.
Palad
-----------------------------------------------------------------------
Ang kuhang litrato ay ang kasalukuyan
nitong anyo matapos isaayos ng administrasyon ni Kgg. Punong Lungsod Ernida
Agpi Reynoso. Tinutulan ito noong una dahil sa pananaw ng iba ay nangangambang
mawala ang pagka orihinal na anyo nito ngunit muling naisaayos matapos
magkaroon ng ibat ibang pagpupulong kasama ang mga naturang oposisyon na siyang
naging batayan upang ipagpatuloy ang konstruksyon. Sa ngayon ay may ilan pading
kontra sa naging pagbabago sa BANDSTAND ngunit mas marami sa mga Tayabasin
ngayon ang natutuwa at kontento sa kinalabasan ng mas maayos at maaliwalas na
BANDSTAND.
No comments:
Post a Comment