Tuesday, May 20, 2025

KASAYSAYAN NG SANTACRUZAN SA PALALE (1890-2024) SA PANANALIKSIK NI G. VELMOR PADUA

Tuwing sasapit ang buwan ng Mayo, malinaw sa bawat Palalehin ito ay panahon ng Santacruzan. Ang Santacruzan, ito ay hindi magagandang dilag at hindi naglalakihang karosa ang pumaparada o nagpoprusisyon bagkus ang makikita ay ang mga taong umaawit ng katutubong awit papuri at sayaw sa harapan  ng  krus  na  bato

Tuwing sasapit ang dapithapon sa lugar na ito. Ang gawaing ito ay pinasisimulan tuwing ikatlong araw ng buwan ng Mayo.

Para nga sa iba ay hindi buo ang buwang ito kung hindi maipagdiriwang ang nakagisnang tradisyong ito sa Palale. Ang ganitong gawain ay nagsimula pa noong taong 1890 ayon sa salaysay ng ilan sa mga apo ng mamanata sa Santacruzan. Ang gawaing ito ay itinuro ng Pamilya nina Blas Sumilang at Rufino Cabuyao sa mga naninirahan sa Barangay Ibabang Palale at magpahangang ngayon ang gawing ito ay nagpapatuloy. Sang-ayon sa tala ng kasaysayan, sina Blas Sumilang at Rufino Cabuyao ay magkaibigan na may parehong layunin at debosyon sa Santacruzan. Sinasabi na si Blas Sumilang ang kauna-unahang nanirahan sa Ibabang Palale sa bahagi na kung tawagin ay Sitio Bigtas samantalang ang pamilya naman ni Rufino Cabuyao ang may pinakamalaking bahagi ng lupain sa Sitio Parang ang lugar na ngayon ay naging sentro ng pamayanan ng barangay kung saan nakatayo ang simbahan ng Parokya ng Mahal na Birhen ng Pagdalaw. Si Blas Sumilang ang kinikilalang tagapagtatag at pangunahing lider nang barangay noon ng ito’y natatag taong 1901 na naging Punongbayan noong taong 1912 hanggang 1913.

Base sa salaysayin ang mga kilalalang umaawit sa krus o tinatawag na mananantacruz noon sa Ibabang Palale ay sina:  Ang mag-asawang Protacio Naynes (1919-2003) at Santa Naynes, Sabiano Reyes (1925) Silvestre Padua at Vitaliana Padua, Cayetano Raca at Saturnina Raca, Roberta Cabalsa, Irene Caagbay (1910-1961) Victorino Morena, Fortunato Baasis at Eduvigis N. Baasis (1919 -2019), Leopoldo Jalla, Lourdes Oabel, Sisenando Cabile, Albina Cabalsa, Celia Saberola, Barbara Baasis (1924-2019) at Elena Raca (1931-2016). Ang orihinal na lumilibot ay ang mga matatanda at nagsasama sila ng mga bata upang sila ang pumuga o tumugon sa bawat awit sa Santacruzan.

Matapos ang ikawalong digmaaang pandaigdig ay mas higit na naging aktibo ang gawaing Santacruzan bilang pasasalamat sa Panginoon dahil sa kabila ng digmaan ay walang gaanong pinsalang naganap at walang masyadong dugong dumanak sa Palale.

Sa panahong ito Ipinasa ang gawain sa mga kabataan upang silang manguna sa Santacruzan at pag awit sa harapan ng banal na krus. Naging masaya ang pagdiriwang sapagkat marami ang dumadalo upang makiisa sa selebrahan.

Subalit hindi rin nagtagal ang pamumuno at gawaing ito ng mga kabataan dahil napansin ng mga nakakatanda na hindi ganap ang pagkaunawa ng mga kabataan sa ritwal ng Santacruzan na para sa mga ito ay isang laro lamang at hindi isang uri ng sakripisyo at pagpupuri kay Kristo na ipinako at namatay sa krus. Dahil sa takot na ito ay masalaula o mawala ang pagkasagrado ng gawain binawi nila ang pamumuno ng paglibot sa mga kabataan. Buhat noon ay ang mga matatanda na ang nanguna sa paglibot tuwing buwan ng Mayo hanggang sa kasalukuyan subalit nananatiling mga kabataan ang naghahanda sa pagdiriwang ng Celebra bilang mga Cebecilla katuwang nila ang mga Hermano at Hermana ng Santacruzan.

Magpahanggang ngayon ay tuloy parin ang ginagawang pag-awit sa harapan ng krus sa mga tahanan at ang mga umaawit dito ay masasabing nasa ikaapat na henerasyon na. Hindi na sa harapan ng krus na bato umaawit bagkus sa mga kawayan o kahoy na krus na inilalagay sa mga bakuran o bunsuran ng bahay. Patuloy pa rin na isinasagawa ang Celebra kahit na nga sa panahon ng pandemya ipinagdiwang sa simpleng paraan sapagkat ayon sa namamanata ito ay kanilang panalangin ng pasasalamat dahil sa kabila ng pandemya ay patuloy na binibiyayaan ng Panginoon ang barangay, ang kanilang panalangin ay patuloy na iniingatan sa anumang salot at sakit ang Palale katulad ng nakagisnang dahilan kung bakit sila ay lumilibot at nananantacruz. 



















π‘πŽπƒπˆπ‹π‹π€π’ π˜π„πŒπ€ π‚π€πŠπ„: 𝐀 π’π“πŽπ‘π˜ πŽπ… 𝐒𝐔𝐂𝐂𝐄𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐃 π†π‘π€π“πˆπ“π”πƒπ„

Despite unforeseen challenges during the day of Yemayohan 2.0, we express immense gratitude to a company that brought joy and sweetness to this day. Rodillas Yema Cake didn't hesitate to return their gratitude for years of growth and patronage of their flagship product Rodillas Yema Cake, a Tayabas specialty that draws tourists to the town. Their branches have spread throughout Luzon, enjoying remarkable success.

Through it all, they remained calm and used the opportunity to recognize and reward several Tayabasin including 3 lola's as they felt deserved attention and recognition. This is the kind of example every company should follow – returning blessings to those who support their products.

We look forward to a more prosperous and blessed future for Rodillas Yema Cake, and hope they continue to create more job opportunities. Their success story is a testament to their dedication and commitment to both their product and their community.

#yemayohan #rodillasyemacake #tayabasdelicacy #proudlytayabasin

















Sunday, February 9, 2025

π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—”π—Ÿπ—”π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π——π—œπ—šπ— π—”π—”π—‘: π—”π—‘π—š π—žπ—”π—§π—”π—£π—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—œ π—Ÿπ—’π—Ÿπ—” π—₯π—’π—¦π—˜π—‘π——π—” 𝗗𝗨π—₯π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗔𝗕𝗔𝗦 π—‘π—’π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š 𝗛𝗔𝗣𝗒𝗑

π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—”π—Ÿπ—”π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π——π—œπ—šπ— π—”π—”π—‘: π—”π—‘π—š π—žπ—”π—§π—”π—£π—”π—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—œ π—Ÿπ—’π—Ÿπ—” π—₯π—’π—¦π—˜π—‘π——π—” 𝗗𝗨π—₯π—”π—‘π—§π—˜ 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗔𝗕𝗔𝗦 π—‘π—’π—’π—‘π—š 𝗣𝗔𝗑𝗔𝗛𝗒𝗑 π—‘π—š 𝗛𝗔𝗣𝗒𝗑


Nitong Sabado, Pebrero 8, nagkaroon kami ng pribilehiyong makausap si Gng. Rosenda Durante, isang balo mula sa Angustias Zone I, Lungsod ng Tayabas. Ang kanyang kuwento, isang alaala mula sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nagpapakita ng matinding katapangan at pagtitiis ng isang kababaihan sa gitna ng karahasan at kawalan ng katiyakan.

Noong 1945, labing-limang taong gulang lamang si Gng. Durante. Sa gitna ng pananakop ng mga Hapon, isang panahon na puno ng pang-aabuso sa kababaihan at walang habas na pagpatay sa mga kalalakihang lumalaban, nag-evacuate sila kasama ang mga kabarangay patungo sa isang lumang bahay sa nayon ng Camaysa (malapit sa Nawawalang Paraiso sa ngayon). Ang bahay, ayon kay Gng. Durante, ay puno ng mga kababaihang takot na takot, ang ilan ay nagtatago pa sa kisame dahil sa matinding pangamba.







Isang araw, isang grupo ng mga sundalong Hapon ang sumubok na pasukin ang kanilang pinagtataguan. Habang pinipigilan ng mga nasa loob ang pagpasok ng mga Hapon, ang matinding takot ay nanaig kay Gng. Durante. Sa isang desisyon na pinukaw ng pag-asa para sa kaligtasan, tumalon siya sa bintana. Doon, ay agad naman siya inatake at tinamaan siya ng bayoneta ng isang sundalong Hapon sa tiyan, isang malalim na sugat na kanyang dala-dala hanggang ngayon. Ngunit sa kabila ng matinding sakit at pagdurugo, nagawa pa rin niyang tumakbo palayo upang makaligtas.


Isang trak ng mga sundalong Amerikano na dumaan ang nakakita sa kanya at dinala siya sa Lucena. Matapos tanggihan sa isang ospital ng mga sundalo, natanggap niya ang kinakailangang pangangalaga sa ospital na nasa Kapitolyo. Pagkatapos ng kanyang paggaling, nanatili siya sa Lucena upang makaiwas sa anumang karagdagang panganib.

 
Sa aming panayam, ipinakita niya ang bahagi ng kanyang tiyan kung saan makikita pa ang peklat ng sugat – isang marka ng kanyang paglaban at pagtatagumpay laban sa kamatayan.

Ang kuwento ni Gng. Rosenda Durante ay higit pa sa isang personal na karanasan; ito ay isang testamento sa katapangan at pagtitiis ng mga Pilipinong kababaihan noong panahon ng digmaan. Ang kanyang alaala ay nagsisilbing paalala sa mga pagsubok na hinarap ng ating mga ninuno at nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-alala at paggalang sa kanilang mga sakripisyo.

Ilan kaya sa ating mga kababayan ang nakaranas ng katulad na karanasan? Ang paghahanap at pagbabahagi ng kanilang mga kuwento ay isang mahalagang gawain upang mapanatili ang ating kasaysayan at maunawaan ang lalim ng ating pagka-Pilipino.


----------------------------------------------

𝔒𝔩𝔑 𝔓π”₯𝔬𝔱𝔬𝔰 𝔬𝔣 π”Šπ”«π”€. β„œπ”¬π”°π”’π”«π”‘π”ž π”“π”žπ”©π”žπ”ͺπ”Ÿπ”¦π”žπ”«π”¬ π”‡π”²π”―π”žπ”«π”±π”’
𝔒𝔩𝔑 𝔓π”₯𝔬𝔱𝔬 𝔒𝔩𝔑 π”—π”žπ”Άπ”žπ”Ÿπ”žπ”° β„Œπ”¬π”°π”­π”¦π”±π”žπ”© π”³π”¦π”ž β„­π”žπ”―π”©π”¬π”° π”™π”¦π”©π”©π”žπ”―π”¦π”Ÿπ”ž
𝔒𝔩𝔑 𝔓π”₯𝔬𝔱𝔬𝔰 𝔬𝔣 𝔒𝔩𝔑 π”Šπ”²π”« 𝔴𝔦𝔱π”₯ π”…π”žπ”Άπ”¬π”«π”’π”±π”ž 𝔣𝔯𝔬π”ͺ ℑ𝔫𝔱𝔒𝔯𝔫𝔒𝔱