SULIT BA ANG MOTHER'S WONDERLAND? ISANG PERSONAL NA KARANASAN
Simula nang magbukas ang Mother's Wonderland, marami ang
nag-aalinlangan dahil sa medyo mataas na entrance fee. Ngunit batay sa aming
karanasan, masasabi naming sulit na sulit ang halaga. Mula pa lamang sa
entrance, sasalubong sa inyo ang mga ngiti at magalang na pagbati ng mga
well-trained na staff at crew, na agad na nagpaparamdam ng init ng pagtanggap.
Sa pagpasok, ang entrance fee na babayaran ay 950.00 peso bilang kanilang promo price. Ngunit awtomatiko kayong magiging miyembro ng kanilang
Club 500. Sa susunod ninyong pagbisita, PHP 500 na lamang ang babayaran ninyo,
at ito pa ay "consumable" o magagamit sa pagbili ng pagkain at inumin
sa loob ng park – tinatawag nilang "Wonder Money."
Sumakay kami sa kanilang golf cart patungo sa Gat Gubat
area, isa sa pitong "wonders" ng theme park. Dito, naranasan namin
ang zipline – kahit hindi gaano kahaba, sulit pa rin ang experience. Nariyan
din ang kakaibang spider web sky bed kung saan pwedeng magpahinga at magpakuha
ng litrato. Mayroong din affordable meals sa kalapit na area, at ang Severianas
Cafe kung saan pwedeng mag-chill habang nagkakape at nagkukuwentuhan kasama ang
mga kaibigan at pamilya.
Ang Gypys Village naman ay puno ng mga nakakatuwang at
Instagrammable na bahay, kasama na ang tree house, the Portal, isang whimsical
gazebo, isang payapang Zen garden, at mga estatwa tulad ng Buddha at ang
"Alindog" statue na may nakahigang imahe ng isang babae. Dito rin
naranasan naming maglakad sa skywalk at hanging bridge, na nag-aalok ng
napakagandang tanawin ng mga puno at ng mga atraksyon sa ibaba.
Sa Gat Gubat area pa lamang, isang oras na ang lumipas dahil
sa sobrang ganda at sa pagnanais naming sulitin ang oras kasama ang aming mga
kaibigan at pamilya.
Ito ang hangarin ng mga may-ari ng Mother's Wonderland:
palakasin ang family bonding habang ninanamnam ang kagandahan ng kalikasan,
gaya ng kanilang tagline: "Come home to nature, visit Mother's
Wonderland." Higit pa sa isang theme park, ang Mother's Wonderland ay
isang lugar na nagpapalapit sa inyo sa kalikasan at sa inyong mga mahal sa
buhay. Ang dating pag-aalinlangan dahil sa presyo ay napalitan ng kasiyahan at
pagkamangha sa aming pagbisita.
Panigurado kami na babalik ka talaga kaya Tara na sa Mother's Wonderland.