Thursday, January 12, 2023

 Bakit nga ba sinasabing malas ang araw ng Friday the 13th?

Karamihan sa atin ang naniniwala sa dalang bad luck ng Friday the 13th. Alam niyo ba na nangyayari ito ng isa hanggang tatlong beses sa isang taon? Kaya naman sa tuwing pumapatak sa Biyernes ang petsang 13 marami ang magsasabing, “Ayy grabe, ang malas ng araw ngayon.” Pero sa kabila nito, alam mo ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong paniniwala ang mga tao? Narito ang ilang mga nangyari noon na naging dahilan kung bakit nakakabit sa Friday the 13th ang day of misery and misfortune.
1. Unang naitala ang pagkamatay ng isang Italian composer na si Gioachnio Rossinni noong November 13, 1868. Though, namatay ang composer sa sakit na pneumonia sinasabing ayaw ni Rossinni ang number 13 at araw ng Biyernes.
2. Naniniwala din ang mga Kristiyano sa mga biblical association. Si Judas Iscariot, ang apostol ni Hesus na nagtraydor sa kanya ang ika-13th guest sa Last Supper. Sinasabing ipinako sa cross si Hesus ng araw ng Biyernes, kung kaya’t may tinatawag tayong Good Friday. Ito na siguro ang nag-iisang Biyernes na maituturing nating swerte dahil sa sakripisyo ng Mahal na Poon para tayo ay iligtas.
3. Sa Egypt, ang number 13 ay ina-associate sa death and fear na kapareho ng isinisimbolo ng ika-13 na tarot card.
4. May research sa Finland na kadalasang namamatay ang kababaihan tuwing Friday the 13th dahil sa traffic related accidents. Ang tinuturong rason ay ang anxiety disorder na nakakaapekto sa driving performance.
5. Sa Turkey mahigit 2,000 katao ang namatay at 50,000 ay nawalan ng bahay dahil sa 6.1 magnitude na lindol noong March 13, 1992.
6. Karamihan sa mga hospital ay walang Room 13, sa mga airport naman walang Gate 13 at iniiwasan rin sa mga hotel ang magkaroon ng Room 13. Iisa lang dahilan, naniniwala silang malas ang number 13.
Iilan lamang yan sa mga kaganapan na tumatak noon sa mga tao na nangyari ang hindi maganda noong Friday the 13th. Pero nasa tao na kung maniniwala o hindi sa pamahiing ito. Parang law of attraction lang yan na ang ibig sabihin ay kung ano ang siyang paniniwalaan mo yun ang kadalasang nangyayari dahil ayon sa research nangyayari ang mga bagay dahil yun ang predominant thoughts ng isang tao.
Mas maigi na manalig at humingi ng gabay sa Diyos para mailayo tayo sa anumang uri ng kapahamakan o disgrasya. Afterall, wala pa ring konkretong basehan kung bakit sinasabing malas ang Friday the 13th.
Isinulat ni: Ariane Cloe Ramilo



No comments:

Post a Comment