Featuring: Ireneo Samaniego
Alam niyo ba na ang Fort Santiago ay minsan nang bumagsak sa kamay mismo ng mga Tayabense???
Hindi pa di ba? Kaya heto ang kwento ng isang bayaning maihahanay sa grupo nina Bonifacio - siya si Ireneo Samaniego.
Isang tunay na anak ng Tayabas itong si Ireneo Samaniego. Siya ang napili ng pamahalaang Kastila na pamunuan ang 80 sundalo na nakabase sa Malate. Ang hukbong ito ay binubuo ng mga nagmula sa lalawigan ng Tayabas kaya tinawag itong Rehimentong Tayabas na kilala rin bilang Regimento Princepe Tercero.
Si Samaniego at ang Tayabas Regiment ay napabantog sa mga labanan sa Jolo at Conhinuichina kaya malaki ang tiwala sa kanila ng mga Kastila. Ngunit nakarating kay Samaniego ang isang balita na bumago sa kanyang pag-iisip.
Ito ay ay walang habas na pagpatay ng mga sundalong Kastila sa mga myembro ng Confradia de San Jose ni Hermano Pule na kababayan niya noong 1841.
Labis niya itong dinamdam. Dahil sa malagim na pangyayaring ito ay ninais ni Samaniego na maghiganti. Gusto niyang pagbayarin ang mag Kastila dahil sa ginawa nito sa mga kababayan niya.
1843, dalawang taon matapos ang masaker ay pinlano na ni Ireneo Samaniego ang pagpapatalsik sa mga Kastila. Kasama niya ang buong Tayabas Regiment sa layunin niyang ito.
Noong Enero 20, 1843 nagsimula ang kanilang rebolusyon. Mula sa Malate ay nagmarcha ang hukbo ni Samaniego patungong Intramuros. For the first time ever may mga Pilipinong nangahas na sakupin ang punong tanggulan ng Pilipinas, ang Fort Santiago!
Agad hinimok ng mga sundalong Tayabasin ang mga nagbabantay sa Fort na sumali sa pag-aalsa. Swerte nila dahil karamihan dito ay mga nagmula rin sa Tayabas kaya pinapasok sila ng mga ito.
Nang makapasok sila ay pinagpapatay nila ang mga pinunong Kastila at kasabay nito ay ang pagbagsak ng Fort Santiago. Sa wakas! Nakaganti sila sa lahat ng kalabisan ng mga Kastila. Naiganti nila ang pagkamatay ni Hermano Pule.
Ayon sa isang konsul na nakasaksi sa naganap na labanan, isinisigaw ng mga sundalong Tayabense ang "KALAYAAN!" habang nasa kalagitnaan ng laban. Dito na naalarma ang pamahalaang Kastila.
Hindi pa tapos ang laban.
Enero 21, 1843 habang nagbubunyi ang Tayabas Regiment sa kanilang tagumpay ay tinipon naman ng mga Kastila ang kanilang mga hukbo upang sugurin ang mga indio sa Fort Santiago.
Ito ang naging last stand ng Tayabas Regiment. Napasok muli ng mga Kastila ang Fort Santiago dahil sa kataksilan ng ilan sa mga sundalong loyalista pala sa EspaƱa. Muling sumiklab ang isang madugong labanan ngunit wala nang nagawa ang mga Pilipino.
Sumuko na ang mga sundalong Tayabasin at pinagdadakip ang sila kasama na dito si Ireneo Samaniego.
Kinabukasan pa ay dinala ang 80 sundalo mula sa Tayabas Regiment sa Bagumbayan kung saan sila inexecute by firing squad.
Si Ireneo Samaniego kasama ang Tayabas Regiment ang isa sa mga unang naging martir sa Bagumbayan. Susunod sa yapak niya ang GOMBURZA, ang Trece Martires, at syempre ang pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.
Hindi ba't malaki rin ang ginampanan niya sa paghubog ng nasyonalismo noong tayo'y sakop pa ng mga dayuhan? Sa loob lang ng isang araw ay naipakita niya sa lahat na posibleng manalo ang mga indio laban sa mga Europeo. Napatunayan nila na kaya natin silang tapatan pagdating sa labanan.