Sa araw ng Sabado, ika-31 ng Hulyo ng kasalukuyan. Bumisita ang grupo ng OST- Tayabas Heritage Group kaisa ang ilang kasapi ng Tayabas Rescue Response Team Inc. sa mga tulay na nasasakupan ng Tayabas- Sariya way, sa kadahilanang biglaang pag papalawak ng daan para sa mga motorista.
Una sa lahat ay ang Tulay ng Gibanga, pumangalawa ang Puente de Don Fransisco de Asis, sumunod ang mga Puenticito de Piit Grande, Puentecito de Piit Pequeño na nasasakupan ng Baranggay Anos. Pati na rin ang Puentecito de Toong, Puentecito de Potol-Chico, Puentecito de Potol-Estrecho, Puentecito de Potol-Grande sa Baranggay Potol. Matapos ang tanghalian ay kagyat na sunod na pinuntahan ang Puente de Isabel II sa bahagi ng Baranggay Maloa-a. Ang Puentecito de Nangca at Puentecito de Baawin sa Baranggay Baguio at ipinang huli ang Puente de Bai na nasasakupan ng Baranggay Dapdap. Sa pag-gunita ng aktibidad na ito ay napag alaman na ang ilan sa pinaka-iingatang makasaysayang mga tulay na naiwan at ipinamana ng ating mga ninuno ay nasa bingit nang pagkasira dahil nga sa ito ay dadaanan ng kasalukuyang road widening project ng DPWH.
Sa abot ng aming makakaya ay papanatilihin at hindi hahayaang maapektuhan ang ilan sa ating pamana. Patuloy kaming mangangalaga sa mga ito upang manatiling buhay at nagbibigay kasaysayan sa mga tao at sa Lungsod ng Tayabas. Nawa'y sa susunod na pag sasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay kaisa na namin kayo, Maraming Salamat po!
No comments:
Post a Comment