OST - TAYABAS HERITAGE GROUP INCORPORATED
SEC Registration
No. CN201908940
Local Accreditation
– SP Resolution No. 19-123
#48 Sumilang
Subdivision, Barangay Mateuna,
City of Tayabas
Opisyal na
Pahayag
Opisyal na pahayag ng OST Tayabas
Heritage Group Inc. hinggil sa iba’t ibang isyung patungkol sa yamang kultural
ng Tayabas
Kaisa niyo kami sa patuloy na
pag-iingat, pangangalaga at pagpapanatili ng ating mga Yamang Kultural ng
Tayabas. Ikinalulungkot din naming ang kinahinatnan ng Puente de Baguio sa
bahagi ng Barangay Baguio, Lungsod ng Tayabas na sa ngayon ay di na
makikita ang ibabang bahagi ng naturang
tulay ngunit pasalamat parin tayo dahil naisalba ang ilayang bahagi ng tulay
kung saan makikita padin ang arko ng lumang tulay.
Kami po sa organisasyon, ay
naniniwalang ibinigay naming ang aming makakaya upang maisalba ang mga ito
kagaya ng ginawa naming pakikipag negosasyon sa mga tulay ng Gibanga at
Prinsesa kung saan naiparating natin ang pagtutol hanggang sa tanggapan ni G. Mark
Villar, Secretary ng DPWH. Katuwang po natin dito ang ibat ibang organisasyon
at ahensya upang kahit papaano ay may matira pa sa mga pamana istruktura. Sa
bahagi ng Puente de Mate at Puente De Isabel naman ay isa tayo sa nagpatupad ng
load limitation at ang pagpapabantay sa mga tulay na ito upang mapatagal pa ang
buhay nito.
Patungkol sa Tulay ng Malaoa o Puente
de Isabel II, may nauna napo kaming impormasyon na parallel bridge at ilalayo
po ito sa lumang tulay, ito ay bunga ng aming pangungulit at liham patungkol sa
paglalaan ng pondo upang maipagawa na ang panibagong tulay at hindi ipapatong o
ididikit sa mismong lumang Tulay. Ito po ay sama-sama nating antabayan kung
tutupad po sila sa napag-usapan.
Sa isyu po ng ating pampublikong
sementeryo, nakausap po mismo ang OIC-Officer (sa katauhan ni Bb. Jerdylen
Tabi) ng ating sementeryo at ayon sa kaniya ay ang pagtatanggal ng mga nitso ay
dahilan sa desisyon ng mga mismong kaanak nito at inililipat sa pampribadong
sementeryo. Hinihintay pa po namin ang deklarasyon ng Pambansang Museo na
magpapatotoo hinggil sa unang napaulat na ito ay isa ng National Cultural
Treasure. Sa pagkakataong ito ay mas madali natin itong maiisaayos at
mapapangalagaan. Alam po ito ng ating mga kasamahan sa Pamana na kung Heritage Act
of 2009 o local na ordinansa lang ang ating kakapitan ay di ito sapat upang
mapigilan ang sino mang may masamang pagtatangka o ahensyang may planong sirain
ito. Sa pamamagitan ng isang deklarado ng pambansang ahensya ay makukuha natin
ang atensyon nila at makakatuwang sa bawat laban para sa Pamana. Sinusuportahan
po natin dito si G. Ryan Palad at ang grupo ng ATAGAN bilang ating pangunahin
at tinitingalang samahan sa mga aksyon at pagpupursigi na maipadeklare ang iba
pang natitirang yamang kultural kagaya ng ating mga krus na bato, simbahan at
mga lumang gusali at maliliit na tulay kagaya ng Puente de Baguio.
Ipinapayo
po naming na sana ay magkaroon ng isang totoo at aktibong komitiba o samahan
mula sa bahagi ng mga kasamahan natin sa Heritage at Historical groups, representante mula sa local na pamahalaan ng
Tayabas, representante mula sa DPWH District 1, representate mula sa Lokal na
Tanggapan ng Engineering at Building Official na siyang tututok mula palang sa
impormasyon mula sa paglalaan ng pondo na maaapektuhan ang mga yamang kultural
ng Tayabas. Kung saan una palang ay
maiitama na ang plano at ang pondo na naaayon sa pangangalaga ng mga ito. Sa
bahagi ng mga lumang bahay na naisama namin sa aming ginawang Cultural Mapping
ay magkaroon ang mga ito ng isang samahan kung saan may mga representante at
namumuno upang maiparating sa ating local na pamahalaan ang mapagkakasunduan
upang mapanatili nila at mapanatili ang mga ito. Siguro ay maihalintulad natin
ang Sistema sa bahagi ng Bayan ng Pili, Laguna, Bayan ng Taal, Batangas,
Lungsod ng Vigan kung saan kung may mga pagbabagong gagawin at pagsasaayos ay
nangangailangan muna ng pahintulot sa local na pamahalaan para maiwasan ang
bigla nalang pagkasira. Bilang ganti ay dapat naman sigurong mabigyan ng ibat-ibang
insentibo o prebilihiyo bilang pabuya at pakikibahagi sa kanilang ambag upang
mapanatili ang mga strukturang ito. Diko alam kung paano ito maiisakatuparan
ngunit sa tulong niyo, sa tulong ng ating mga ginagalang na sanggunian ay atin
itong makakamtam. Mahalaga din siguro maiparating sa mga nagmamay-ari ng mga
lumang struktura na ito ang kahalagahan nito sa ating lipunan, dahil sa tingin
po naming ay kulang lang sila sa impormasyon. Karamihan sa kanila walang
panggastos sa pangpapaayos na kagaya ng luma dahil sa panahon ngayon mas
magastos pa ang magrestore kaysa magtayo
ng bagong istruktura.
Hindi po tayo magkakalaban dito, iisa po ang ating hangarin at adhikain kung kaya’t hinihiling kopo sa inyo lahat ang panawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maisakatuparan po natin ang ating misyon at bisyon bilang isang tunay na Heritage Advocates’. Kaisa niyo po kami sa inyong adbokasiya.
Maraming Salamat Kapamana!!!