Tuesday, December 29, 2020

PROPOSED ORDINANCE PROVIDING ADDITIONAL GUIDELINES FOR THE ISSUANCES OF BUILDING PERMITS FOR DEMOLITION AND RENOVATION OF STRUCTURES DECLARED AND/OR CONSIDERED IMPORTANT CULTURAL PROPERTY.


PROPOSED ORDINANCE PROVIDING ADDITIONAL GUIDELINES FOR THE ISSUANCES OF BUILDING PERMITS FOR DEMOLITION AND RENOVATION OF STRUCTURES DECLARED AND/OR CONSIDERED IMPORTANT CULTURAL PROPERTY.











 

Monday, December 28, 2020

 

Disyembre 26, 2020

Naimbitahan ng grupo si Mr. Gilbert Macarandang upang magtalakay tungkol sa isang organisasyon, gaano nga ba kahalaga ang isang organisasyon? Paano nga ba ito nabubuo? Sa simpleng pag talakay nito maraming aral ang aming naiuwi. Mga aral na mabibitbit namin sa kasalukuyan.
Isa si Mr. Jericho Pagana miyembro ng grupo ang nag talakay ng mga bagay-bagay tungkol sa mga batas. Tumatak sa amin ang tanong na "SAPAT BA?" "WORTH IT BA? ANG SAKRIPISYO?" Mga batas na kailangan sundin dahil isa lamang tayo sa nasasakupan ng nakakataas. Sa pagkilala ng isa't isa, isang reyalisasyon ang sa ami'y tumambad na hindi lahat ng bagay sa mundo'y natatapatan ng salapi. Malaki man yan o maliit, dahil hindi nito mapapalitan ang bagay na naging parte na ng buhay mo.
Nag karoon din kami ng pag kakataon para makilala ang isa’t- isa hindi lamang sa panlabas naming kaanyuan pati na rin ang aming saloobin. Sa kabila ng pandemyang ating kinakaharap ay nabigyan namin ng kaunting panahon ang araw na ito hindi lamang para mag saya kundi para mag bigay ng aral at makapag pasaya ng iba. Nagkaroon ng kaunting handog sa bawat isa, maraming surpresa ang sa aming mata'y bumungad. Mga hindi inaasahang pagkilala at parangal ang natanggap ng bawat isa, mga regalong galing sa puso ng bawat isa.
📝 Angela Escosia
















Monday, October 12, 2020

Opisyal na pahayag ng OST Tayabas Heritage Group Inc. hinggil sa iba’t ibang isyung patungkol sa yamang kultural ng Tayabas

 

OST - TAYABAS HERITAGE GROUP INCORPORATED

SEC Registration No. CN201908940

Local Accreditation – SP Resolution No. 19-123

#48 Sumilang Subdivision, Barangay Mateuna,

City of Tayabas

 

Opisyal na Pahayag

Opisyal na pahayag ng OST Tayabas Heritage Group Inc. hinggil sa iba’t ibang isyung patungkol sa yamang kultural ng Tayabas

Kaisa niyo kami sa patuloy na pag-iingat, pangangalaga at pagpapanatili ng ating mga Yamang Kultural ng Tayabas. Ikinalulungkot din naming ang kinahinatnan ng Puente de Baguio sa bahagi ng Barangay Baguio, Lungsod ng Tayabas na sa ngayon ay di na makikita  ang ibabang bahagi ng naturang tulay ngunit pasalamat parin tayo dahil naisalba ang ilayang bahagi ng tulay kung saan makikita padin ang arko ng lumang tulay.

Kami po sa organisasyon, ay naniniwalang ibinigay naming ang aming makakaya upang maisalba ang mga ito kagaya ng ginawa naming pakikipag negosasyon sa mga tulay ng Gibanga at Prinsesa kung saan naiparating natin ang pagtutol hanggang sa tanggapan ni G. Mark Villar, Secretary ng DPWH. Katuwang po natin dito ang ibat ibang organisasyon at ahensya upang kahit papaano ay may matira pa sa mga pamana istruktura. Sa bahagi ng Puente de Mate at Puente De Isabel naman ay isa tayo sa nagpatupad ng load limitation at ang pagpapabantay sa mga tulay na ito upang mapatagal pa ang buhay nito.

Patungkol sa Tulay ng Malaoa o Puente de Isabel II, may nauna napo kaming impormasyon na parallel bridge at ilalayo po ito sa lumang tulay, ito ay bunga ng aming pangungulit at liham patungkol sa paglalaan ng pondo upang maipagawa na ang panibagong tulay at hindi ipapatong o ididikit sa mismong lumang Tulay. Ito po ay sama-sama nating antabayan kung tutupad po sila sa napag-usapan.

Sa isyu po ng ating pampublikong sementeryo, nakausap po mismo ang OIC-Officer (sa katauhan ni Bb. Jerdylen Tabi) ng ating sementeryo at ayon sa kaniya ay ang pagtatanggal ng mga nitso ay dahilan sa desisyon ng mga mismong kaanak nito at inililipat sa pampribadong sementeryo. Hinihintay pa po namin ang deklarasyon ng Pambansang Museo na magpapatotoo hinggil sa unang napaulat na ito ay isa ng National Cultural Treasure. Sa pagkakataong ito ay mas madali natin itong maiisaayos at mapapangalagaan. Alam po ito ng ating mga kasamahan sa Pamana na kung Heritage Act of 2009 o local na ordinansa lang ang ating kakapitan ay di ito sapat upang mapigilan ang sino mang may masamang pagtatangka o ahensyang may planong sirain ito. Sa pamamagitan ng isang deklarado ng pambansang ahensya ay makukuha natin ang atensyon nila at makakatuwang sa bawat laban para sa Pamana. Sinusuportahan po natin dito si G. Ryan Palad at ang grupo ng ATAGAN bilang ating pangunahin at tinitingalang samahan sa mga aksyon at pagpupursigi na maipadeklare ang iba pang natitirang yamang kultural kagaya ng ating mga krus na bato, simbahan at mga lumang gusali at maliliit na tulay kagaya ng Puente de Baguio.

Ipinapayo po naming na sana ay magkaroon ng isang totoo at aktibong komitiba o samahan mula sa bahagi ng mga kasamahan natin sa Heritage at Historical groups,  representante mula sa local na pamahalaan ng Tayabas, representante mula sa DPWH District 1, representate mula sa Lokal na Tanggapan ng Engineering at Building Official na siyang tututok mula palang sa impormasyon mula sa paglalaan ng pondo na maaapektuhan ang mga yamang kultural ng Tayabas.  Kung saan una palang ay maiitama na ang plano at ang pondo na naaayon sa pangangalaga ng mga ito. Sa bahagi ng mga lumang bahay na naisama namin sa aming ginawang Cultural Mapping ay magkaroon ang mga ito ng isang samahan kung saan may mga representante at namumuno upang maiparating sa ating local na pamahalaan ang mapagkakasunduan upang mapanatili nila at mapanatili ang mga ito. Siguro ay maihalintulad natin ang Sistema sa bahagi ng Bayan ng Pili, Laguna, Bayan ng Taal, Batangas, Lungsod ng Vigan kung saan kung may mga pagbabagong gagawin at pagsasaayos ay nangangailangan muna ng pahintulot sa local na pamahalaan para maiwasan ang bigla nalang pagkasira. Bilang ganti ay dapat naman sigurong mabigyan ng ibat-ibang insentibo o prebilihiyo bilang pabuya at pakikibahagi sa kanilang ambag upang mapanatili ang mga strukturang ito. Diko alam kung paano ito maiisakatuparan ngunit sa tulong niyo, sa tulong ng ating mga ginagalang na sanggunian ay atin itong makakamtam. Mahalaga din siguro maiparating sa mga nagmamay-ari ng mga lumang struktura na ito ang kahalagahan nito sa ating lipunan, dahil sa tingin po naming ay kulang lang sila sa impormasyon. Karamihan sa kanila walang panggastos sa pangpapaayos na kagaya ng luma dahil sa panahon ngayon mas magastos pa ang magrestore  kaysa magtayo ng bagong istruktura.

 

Hindi po tayo magkakalaban dito, iisa po ang ating hangarin at adhikain kung kaya’t hinihiling kopo sa inyo lahat ang panawagan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maisakatuparan po natin ang ating misyon at bisyon bilang isang tunay na Heritage Advocates’. Kaisa niyo po kami sa inyong adbokasiya.

 

Maraming Salamat Kapamana!!!









Saturday, October 10, 2020

SI PADRE MARIANO GRANJA AT ANG PAGHIWALAY NG LUCEBA SA BAYAN NG TAYABAS NOONG 1879

 Hi Kapamana, 

You are invited to a Zoom meeting. 

When: Nov 7, 2020 02:00 PM Taipei 

Kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika apat na taong pagkakatag ng samahan, Oplan Sagip Tulay – Tayabas Heritage Group Inc, muli nating sasariwain ang panahon, kaganapan, at mga ilang rason kong bakit humiwalay ang Bayan ng Lucena sa Bayan ng Tayabas. Partikular ang mga bagay na nabago at kailangang baguhin sa paghiwalay ng nasabing bayan 




Makasama natin sa talakayan si Ginoong Mark Anthony GLorioso, kasalukuyan NHCP Shrine Curator sa Museo ni Jesse Robredo at Facebook Administrator ng Tayabas Historical Culture.

Register in advance for this meeting:

https://us02web.zoom.us/meeting/register/tZIld-isqDMrHd25dh47W9cykjQ1sMFhirGH 

After registering, you will receive a confirmation email containing information about joining the meeting.

Friday, October 9, 2020

OINAGMUKAN NG PUTAHING DOÑA AURORA NG TAYABAS

PINAGMULAN NG PUTAHING DOÑA AURORA 

ayon sa kwento ni G. Necias Pataunia

isang sosyolohista at historyador

Ayon kay Ginoong Necias Pataunia, isang kilalang local historian at sociologist ng ating lungsod, nagsimula ito noong taong 1948 ng magkaroon ng miraculous glowing of the cross sa simbahan ng Basilica Minor De San Michael Archangel,  matapos ang digmaan; totoo man daw o hindi, naniniwala ang mga Tayabasin na nangyari ito, bagsak na bagsak ang bayan ng Tayabas noon dahil halos lahat ay naapektuhan at ang mga lumang bahay ay nagiba at naguho. Noong mga panahong iyon ay dahil sa hirap at panlulumo sa nangyare, naghahanap ng milagro at umaasang mababago ang buhay at makakabangong muli sa pagkarugmok na dulot ng digmaan. Kung saan dahil sa pangyayaring nagkaroon ng tila isang milagro na nagkaroon ng miraculous glowing sa krus ng simbahan, marami din sa mga karatig bayan o probinsya ay nagtungo dito upang saksihan kung magaganap muli ang di inaasahang pangyayari dahil kagaya ng ating mga kababayan noong mga panahong iyon ay umaasa din ng milagro, at isa na nga dito si Donya Aurora Quezon (asawa ni dating Pangulong Manuel L. Quezon) at tinungo niya ang lugar ng mga Lagar (sa may bahagi ng dakilang sulok) kung saan malapit sa naturang krus na nagmilagro upang personal na masaksihan. Habang siya ay namalagi sa naturang lugar, dahil ang Tayabasin ay maganda ang pagtanggap sa mga panauhin at hindi lang basta panauhin dahil si Doña Aurora yan, kaya ilan sa mga kusinerong Tayabasin ay nagpamalas ng kani-kanilang galing at especialty kung saan isa ngang Tayabasin ang nagserve ng bagong putahe kung saan gawa mula sa itlog na initlugan at initlugan muli ayon kay G. Pataunia, na noon lang sa okasyong yun nakita at inihain sa pinaka espesyal na salu-salo kasama si Doña Aurora, dahil dito bilang pagkilala, ito ay ipinangalan at hinango mula sa pangalan ni Doña Aurora, isang putahe na dati’y matitikman mo lamang sa mga magarbong handaan. Ngayon ay makikita mona ito sa ibat ibang karinderya at restaurant sa lalawigan ngunit pinaniniwalaang nagmula ito sa ating bayan, isang pamanang hanggang sa ngayon ay maipagmamalaki mo. Sino ng aba naman ang aayaw sa lutuing ito, lalo na kung malalaman mong ditto pala sa Tayabas ito nagmula, totoo man o hindi, may mga kwentong tulad nito na magpapasalin salin sa bawat henerasyon.

- Pabulayan, 2019

Thursday, September 24, 2020

 


KRUS NA BATO: MULING PAGTATANONG NG KASAYSAYAN

//Jericho Pagana


Minsan, hindi natin napapansin na may nakatago palang hiyas at tanda ng mayamang kasaysayan sa mismong harapan. Nag aabang nang makakapansin at naghihintay na maungkat ang natatagong lihim. Lihim na nananatiling lihim, hanggang ngayon.


Sumikat na ang araw, unti unti na ring nawawala ang malamig na halik ng hangin bugso ng malamig na umaga. Sumasakit na rin ang bawat tama ng sikat ng araw sa balat at namumuo muo na rin ang pawis sa aking mga balat. Ngunit tuloy lang sa pagtabas ng mga talahib, kailangan ko ng batong haharang sa mga namumukadkad kong mga halaman, 

Hindi ko naman akalain na ibang klaseng bato pala ang matatagpuan ko. 

Nakatagpo ako ng krus na bato na parang hinihintay lang ako na mamataan s’ya. Tahimik na lamang nakapirmi habang nagtatago sa talahiban. Panibagong pamana nanaman. Pamanang walang nakaukit na kahit anong tanda at walang ring tanda na maaring magamit sa pagtukoy ng nakaraang pangyayari. 

Oo nga at natagpuna ko sya, ngunit parang napaka raming sikreto mistulang aayaw ipaalam. 

Bagay na mistulang kinulang na sa oras na hindi na natapos pag didikdik. Hindi na natapos ang krus na parang isang bagay na nawalan na ng halaga at napabayaan. Nanatili pa ring tanong ang mga tanong na hindi na nabigyan ng kasagutan. 

Panibagong pamana nanaman ang nadiskubre, 

at panibagong pamana nanaman ang magdaragdag ng tanong,

sa kung gaano ba talaga kayaman ang kasaysayan ng bayan ng Tayabas. 




Thursday, March 12, 2020




KAPAMANA VLOG CONTEST MAKING
Theme: “KwentongPAMANA”


Aligned on the National Heritage Month Celebration and in accordance with the group objective, we will be having a vlogging contest which aims to feature and promote the rich cultural heritage site on our city like the 12 Spanish Colonial Arched Bridges, Old Churches and Old Crosses. With social media as a medium, the video’s that will be submitted to our group after the competition will served as a promotional tool that will surely help the city in terms of tourism.


KWENTONG PAMANA VLOGGING CONTEST MECHANICS:

1.   The concept of this contest is to further promote and cite the historical importance while discussing the relevance of heritage sites (eg. Bridges) in Tayabas to the life of the modern Tayabense;

2.   The VLog setting should feature or incorporate a particular heritage site/s in whatever approach the creator/contestant desires wherein the script should revolve around the concept;

3.   The participant can choose between voice-over and live voice videos although bear in mind that “live voice” has more weight in judging;

4.   Registration forms are available from OST-THG members. The participant should fill out the registration form with the following complete details: Full name, address, contact number, and e-mail address. Please contact email osttayabasheritage@gmail.com;

5.   Each contestant is entitled to one entry. Video entries must be stored to a USB flash drive inside a brown envelope along with the accomplished registration sheet. Entries must be sealed, signed, and submitted it to MR. KEVIN PABULAYAN (OST THG Inc/Chairperson) at the Office of the City Administrator, LGU Tayabas Main Building, San Diego Zone-1, Tayabas City before May 4, 2020;

6.   Video duration should be a minimum of 4.5 minutes and a maximum of 7 minutes only. The video should be in mp4/mpeg/mov/avi format;

7.   Deadline for submission of entry is on May 4, 2020;

8.   Determination of winners will be held during the Mayohan Festival 2020 at Tayabas City. Due to privacy and concerns regarding bias, the names of the judges will be announced only at the day of the awarding;

9.   There will be 3 major prizes (1st, 2nd, and 3rd) consolation prizes will also be given to participants;

10.        The winners will be announced along with the awarding of prizes on May 16, 2020 (subject to change). The winner/s must present his/her Student’s ID updated enrolment form). Winners’ name and the winning pieces will also be posted at the OST-THG’s social media accounts along with the other entries;

11.        In case of absence during the awarding of prizes, the redemption period is good until 60 days from receipt of notification. Prizes can be claimed from Mr. Michael Vincent Pabulayan (Office of the City Administrator, LGU Tayabas Main Building. Unclaimed prize/s shall be forfeited with prior publication to the OST-THG’s social media pages and a written resolution from the group’s officers;

12.        The the contest is open to all enrolled Tayabasin students up to college. Bonafide members of OST-THG are disqualified from joining the contest;

13.        Contestants should agree to be featured in promotion-related publicity and all submitted materials will automatically be the property of OST-THG. In regards to this, all public exhibition/s of the submitted materials, be it whole or in edited portions will have due recognition of credits to the content creator.

The registration form must be submitted to the Office of the City Mayor – Extension Office and look for MS. KEISSY RAYEL on/or before May 4, 2020, Wednesday, 5:00pm.






Tuesday, January 21, 2020

PAGTATALAGA SA TAUNANG PAGDIRIWANG NG TAYTSINOY FESTIVAL

ORDINANSA BLG.17-13 DATED HUNYO 5, 2017

ISANG ORDINANSANG SUMUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 11-23 [PAGTATALAGA SA TAUNANG PAGDIRIWANG NG TAYTSINOY FESTIVAL TUWING PANAHON NG SPRING AT LUNAR NEW YEAR NG MGA TSINOY (SA NALOLOOBAN NG BUWAN NG ENERO HANGGANG MARSO) NG BAWAT TAON BILANG ISA SA MGA PANGUNAHING LOCAL FESTIVAL, NAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO GAYUNDIN NG IBA PANG MGA KAUGNAY NA ALITUNTUNIN] NA PINAGTITIBAY NOONG DISYEMBRE 19, 2011 SA PAMAMAGITAN NG RESOLUSYON BLG. 11-227.






Sunday, January 19, 2020

RESOLUTIONS-ORDINANCES TOURISM - FESTIVALS





TAX ORDINANCE NO 18-001
CHAPTER VI, ARTICLE R


ORDINANCE NO.18-10 DATED MAY 21, 2018

AN ORDINANCE CREATING THE TOURIST INFORMATION AND ASSISTANCE DESK, PROVIDING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES.



ORDINANCE NO.19-08 DATED MAY 6, 2019

AN ORDINANCE ESPOUSING DUE COMPLIANCE WITH SECTION 122, CHAPTER I, RULE 8 OF REPUBLIC ACT 9593 OF THE TOURIST ACT OF 2009 REQUIRING PRIMARY TOURISM ENTERPRISES (PTES) SUCH AS HOTELS, RESORTS, INNS AND OTHER ACCOMMODATION ESTABLISHMENTS TO SECURE ACCREDITATION FROM THE DEPARTMENT OF TOURISM ( DOT) FOR THE ISSUANCE OF LICENSE OR PERMIT TO OPERATE.



ORDINANSA BLG.17-15 DATED HUNYO 5, 2017

ISANG ORDINANSA NA SUMUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 11-25 (PAGTATALAGA SA TAUNANG PAGSASAGAWA NG FESTEJO DE LOS ANGELES TUWING ARAW NG SABADO NG NALOLOOBANG LINGGO BAGO SUMAPIT ANG KAPISTAHAN NI SA MIGUEL ARKANGHEL SA BUWAN NG SETYEMBRE NG BAWAT TAON BILANG ISA SA MGA PANGUNAHING LOCAL FESTIVALS, NAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO GAYUNDIN NG IBA PANG MGA KAUGNAYAN NA ALITUNTUNIN NA PINAGTIBAY NOONG DISYEMBRE 19, 2011 SA PAMAMAGITAN NG RESOLUSYON BLG. 11-229.



ORDINANSA BLG.17-14 DATED HUNYO 5, 2017

ISANG ORDINANSA NA SUMUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 11-24 (PAGTATALAGA SA TAUNANG PAGSASAGAWA NG MAYOHAN SA TAYABAS TUWING IKALAWA HANGGANG IKATLONG LINGGO NG BUWAN NG MAYO NG BAWAT TAON BILANG ISA SA MGA PANGUNAHING LOCAL FESTIVAL, NAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO GAYUNDIN NG IBA PANG MGA KAUGNAY NA ALITUNTUNIN) NA PINAGTITIBAY NOOONG DISYEMBRE 19, 2011 SA PAMAMAGITAN NG RESOLUSYON BLG. 11-228.



ORDINANSA BLG.17-13 DATED HUNYO 5, 2017

ISANG ORDINANSANG SUMUSUSOG SA ORDINANSA BLG. 11-23 [PAGTATALAGA SA TAUNANG PAGDIRIWANG NG TAYTSINOY FESTIVAL TUWING PANAHON NG SPRING AT LUNAR NEW YEAR NG MGA TSINOY (SA NALOLOOBAN NG BUWAN NG ENERO HANGGANG MARSO) NG BAWAT TAON BILANG ISA SA MGA PANGUNAHING LOCAL FESTIVAL, NAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO GAYUNDIN NG IBA PANG MGA KAUGNAY NA ALITUNTUNIN] NA PINAGTITIBAY NOONG DISYEMBRE 19, 2011 SA PAMAMAGITAN NG RESOLUSYON BLG. 11-227.



RESOLUTION NO.05-21 DATED FEBRUARY 14, 2005
ORDINANCE NO.05-02

AN ORDINANCE ESTABLISHING A COUNCIL FOR TOURISM, CULTURE AND THE ARTS FOR THE MUNICIPALITY OF TAYABAS, QUEZON.



RESOLUTION NO.02-114 DATED SEPTEMBER 23, 2002

A RESOLUTION CREATING THE SUB-OFFICE FOR TOURISM, CULTURE AND THE ARTS UNDER THE OFFICE OF THE MUNICIPAL MAYOR.

TAYABAS CITY'S CULTURAL HERITAGE ORDINANCES & RESOLUTION





RESOLUTION NO. 19-47 DATED APRIL 29, 2019

RESOLUTION ADOPTING THE RECENTLY SUBMITTED LOCAL INVENTORY OF CULTURAL PROPERTY IN ACCORDANCE WITH MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2018-01 JOINTLY ISSUED BY THE DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG) AND THE NATIONAL COMMISSION FOR THE CULTURE AND THE ARTS (NCCA) ON OCTOBER 9, 2018.

RESOLUTION BLG. 19-28 DATED MARCH 28, 2019

RESOLUSYONG HIMIHILING SA KAGALANG-GALANG NA KINATAWAN NG UNANG DISTRITO NG LALAWIGAN NG QUEZON, ANNA KATRINA M. ENVERGA DE LA PAZ NA MAISAALANG-ALANG AT MALAANAN NG KARAMPATANG PONDO ANG KONSTRUKSYON NG PANIBAGONG TULAY SA BARANGAY MALAOA BILANG KAHALIG NG UMIIRAL NA TULAY NG MALAOA NA NASA NASASAKUPAN NG LUNGSOD NG TAYABAS SA LALAWIGAN NG QUEZON


ORDINANCE NO.19-07 DATED APRIL 29, 2019

AN ORDINANCE PROVIDING FOR THE ESTABLISHMENT AND MAINTENANCE OF A LOCAL INVENTORY OF CULTURAL PROPERTY AS PROVIDED FOR UNDER DILG AND NCCA JOINT MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2018-01 DATED OCTOBER 9, 2018, ALLOCATING FUNDS THEREFOR AND FOR OTHER PURPOSES.


RESOLUTION NO. 18-74 DATED JUNE 4, 2018

RESOLUTION REQUESTING THE NATIONAL HISTORICAL COMMISSION OF THE PHILIPPINES (NHCP) TO RECOGNIZE AND TO CAUSE THE DECLARATION OF THE NEWLY INSTALLED MONUMENT OF GAT ANDRES BONIFACIO WITHIN THE MAIN CAMPUS OF TAYABAS EAST CENTRAL SCHOOL IN BARANGAY ANGELES Z1, CITY OF TAYABAS AS A HISTORICAL SITE AND TO FURTHER, INCLUDE THE SAME IN THE OFFICIAL LISTING OF NATIONAL REGISTRY OF HISTORIC SITES AND STRUCTURES.
                                                                                                                        


RESOLUTION NO. 18-32 DATED MARCH 5, 2018

RESOLUTION REQUESTING THE PROVINCIAL GOVERNMENT OF QUEZON THRU THE HONORABLE PROVINCIAL GOVERNOR DAVID C. SUAREZ TO SIGNIFICANTLY CONSIDER THE INCLUSION OF THE RESTORATION AND MAINTENANCE OF PUENTE DEL LACAWAN AND PUENTE DEL MATE LOCATED AT BARANGAY LACAWAN THE TOP PRIORITY DEVELOPMENT PROJECTS OF THE PROVINCE OF QUEZON.


ORDINANSA BLG.18-09 DATED MAYO 21, 2018

ORDINANSA NA NAGTATAKDA NG MGA KAUKULANG ALITUNTUNIN AT PAGTATADHANA SA MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA IBA’T IBANG BAHAGI NG HURISDIKSYONG TERITORYAL NG TAYABAS NA MAY KAUGNAYAN SA KABAYANIHAN NI APOLINARIO DE LA CRUZ (HERMANO PULI), NAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO PARA DITO AT IBA PANG MGA BAGAY.


RESOLUSYON BLG. 17-95 DATED JULY 10, 2017

RESOLUSYONG HUMIHILING SA KAGALANG-GALANG NA PUNONG LALAWIGAN DAVID C. SUAREZ NA MAISAALANG-ALANG AT MALAANAN NG KARAMPATANG PONDO ANG KONSTRUKSYON NG PANIBAGONG TULAY SA BARANGAY MATE AT BARANGAY LAKAWAN NA KAPWA NASASAKUPAN NG LUNGSOD NG TAYABAS SA LALAWIGAN NG QUEZON.


ORDINANSA BLG.17-18 DATED HULYO 10, 2017

ISANG ORDINANSANG SUMUSUSOG (AMENDING) AT NAGSASAPANAHON (UPDATING) SA KAUTUSANG BAYAN BLG. 97-10 (ISANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG MGA ALITUNTUNIN SA PANGANGALAGA (PRESERVATION), PAGPAPANUMBALIK (RESTORATION) AT PAGPAPANATILI (MAINTENANCE) NG MGA MAKASAYSAYANG TULAY NG BAYAN NG TAYABAS) NA NAUNANG ISINABATAS NOONG OKTUBRE 22, 1997 AT PINAGTIBAY SA PAMAMAGITAN NG RESOLUSYON BLG. 97-84.


RESOLUTION NO.13-64 DATED MAY 20, 2013

RESOLUTION AUTHORIZING THE CITY GOVERNMENT OF TAYABAS REPRESENTED BY MAYOR FAUSTINO ALANDY SILANG TO SIGN AND TO ENTER INTO A MULTIPLE PARTY AGREEMENT WITH THE NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS REPRESENTED BY ITS EXECUTIVE DIRECTOR III, EMELITA V. ALMOSARA, CESO IV, THE NATIONAL MUSEUM OF THE PHILIPPINES REPRESENTED BY ITS DIRECTOR JEREMY ROBERT M. BARNS AND THE DIOCESE OF LUCENA REPRESENTED BY ITS BISHOP, MOST REVEREND EMILIO Z. MARQUEZ TO UNDERTAKE THE CONSERVATION AND RESTORATION OF CEILING PAINTING OF BASILICA MINOR OF ST. MICHAEL ARCHANGEL IN THE LOCALITY.

RESOLUTION NO.13-49 DATED MARCH 18, 2013

RESOLUTION AUTHORIZING THE CITY GOVERNMENT OF TAYABAS REPRESENTED BY MAYOR FAUSTINO ALANDY SILANG TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT WITH THE NATIONAL MUSEUM REPRESENTED BY DIRECTOR IV LEREMY BARNS TO FACILITATE THE TUKLAS KALIKASAN 2013 PROJECT I THE LOCALITY.



RESOLUTION NO.11-74 DATED MARCH 28, 2011

RESOLUTION AUTHORIZING THE LOCAL CHIEF EXECUTIVE TO SIGN AND TO ENTER INTO A MULTIPLE PARTY AGREEMENT WITH THE NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND ARTS (NCCA) REPRESENTED BY EXECUTIVE DIRECTOR MARIA LOURDES L. JACOB, THE NATIONAL MUSEUM REPRESENTED BY DIRECTOR JEREMY BARNS, AND THE DIOCESE OF LUCENA REPRESENTED BY MOST REVEREND EMILIO Z. MARQUEZ TO UNDERTAKE THE REPAIR AND RESTORATION OF THE ROOFING OF THE BASILICA OF SAN MIGUEL ARCANGEL (LEFT AND RIGHT WING ALTARS).


RESOLUTION NO.08-100 DATED SEPTEMBER 8, 2008

A RESOLUTION AUTHORIZING THE CITY MAYOR TO SIGN AND TO ENTER INTO A MEMORANDUM OF AGREEMENT WITH THE ROMAN CATHOLIC BISHOP OF LUCENA FOR THE PRESERVATION AND RESTORATION OF THE MINOR BASILICA OF SAINT MICHAEL IN THE CITY OF TAYABAS.


RESOLUTION NO.04-45 DATED JULY 12, 2004
ORDINANCE NO.04-05

AN ORDINANCE PROVIDING REGULATIONS FOR THE PROTECTION AND PRESERVATION OF LOCAL CULTURAL HERITAGE OF TAYABAS, QUEZON.


RESOLUSYON BLG.97-84 DATED OKTUBRE 22, 1997
ORDINANSA BLG.97-10

ISANG ORDINANSANG NAGTATAKDA NG MGA ALITUNTUNIN SA PANGANGALAGA (PRESERVATION), PAGPAPANUMBALIK (RESTORATION) AT PAGPAPANATILI (MAINTENANCE) NG MGA MAKASAYSAYANG TULAY SA BAYAN NG TAYABAS.


CASA COMUNIDAD CLEANING AND TRIMMING PROJECT OF CHPO/MUSEUM OFFICE

The Casa de Comunidad de Tayabas is one of the largest “Bahay na Bato” in the country and was built during the Spanish period in 1831. This house became jail, school, guesthouse of high officials and became the office of the local government after several years. For the past years, the preservation of Casa de Communidad did not pay well attention. Nowadays, the back of Casa de Communidad was filled with different materials of local government. It has an effect on the stone house because it started to sprout the moss, shrubbery and also large plants that entering the roots between the adobe of the stone house. Preservation is necessary to protect it from deterioration.

The City Museum Section has undertaken a project to preserve the condition of Casa de Communidad through eliminating the grown plants surround the structure. Last November 18, 2019, Mr. Jerry J. Salumbides ( the contractor of Elisa and Elison of Garden Landscaping and Supplies) went to the office to talk with Mr. Gener B. Abordo (CHPO- Focal Person) about the beginning of Cleaning and Trimming in Casa de Communidad. At first, they cleaned the wall of the stone house by pulling out the grown plants and brushing the wall covered by moss. After that, they removed the large tree and its root by using a pruning saw. They also put scaffolding made from bamboo in order to reach the weeds placed in a high part of the wall. After cleaning the stone house, they sprayed and applied herbicide to permanently kill the plants and moss that can cause damage to Casa de Comunidad. They always come back to the Casa de Communidad to spray herbicide to the plants till they died.

The removed vegetation in Casa de Communidad was put away by the team of Salumbides for the total cleaning of the stone house and to make sure that it will not grow again.









Contributed - OCM Cultural Heritage Preservation Office