Kasabay ng selebrasyon ng International Coastal Clean-Up at
Festejo de Los Angeles isang paglilinis sa mga ilog at mga tulay ng siyudad ang
isinagawa sa pangunguna ng Tayabas City LGU, Oplan Sagip Tulay at GSO / ESWM
Unit – Eco-Park nitong Setyembre 23, 2017.
Umabot sa
mahigit tatlongdaang (300) katao ang naki-isa sa clean-up drive na ito.
Dinaluhan din ito nina Konsehal Albert I. Dimaranan at Konsehala Precy O.
Glorioso na nag-iwan din ng isang mensahe para sa mga taong dumalo sa
pagtitipong ito.
Maging si
Ginoong Romeo Cariaga, OIC – Eco-Park ay nagbigay ng pananalita para sa
okasyong ito.
Nilinis ang
dalawang “puentecito” o maliliit na mga tulay na matatagpuan sa Barangay
Baguio. Nagsagawa din ng paglilinis sa Puente del Isabel II at sa Ilog Iyam na
matatagpuan sa Barangay Malao-a. Kasunod nito ay naglinis din sa Puente de Don
Francisco de Asis na matatagpuan naman sa Barangay Calumpang.
Nitong
Setyembre 30 at Oktubre 7 ay muling bumalik ang Oplan Sagip Tulay, GSO / ESWM
Unit – Eco-Park, Tayabas City DRRMO at Tayabas Rescue Response Team sa Puente
de Asis upang ipagpatuloy ang paglilinis sa nasabing tulay. May mga
nag-rappelling din upang mas lalo pang pag-ibayuhin ang isinagawang paglilinis
at inaasahang babalik pang muli ang mga grupong ito hanggang tuluyang malinis
ang Puente de Asis.
No comments:
Post a Comment