Tuesday, July 27, 2021

 

OST - TAYABAS HERITAGE GROUP INCORPORATED

SEC Registration No. CN201908940

#48 Sumilang Subdivision, Barangay Mateuna,

Lungsod ng Tayabas

 

RE      :         KATITIKAN NG PULONG NG OST TAYABAS HERITAGE GROUP INC.  

PETSA:        Ika-20 ng Hulyo, 2021

ORAS :         Ika-10:00-11:30 ng umaga

LUGAR:       Tahanang Bayan ng Lungsod ng Tayabas, Ikalawang Palapag

 

I.    PAMBUNGAD NA PANALANGIN               Kenneth Cabarrubias - Miyembro    

II.  PAMBANSANG AWIT                                Video Presentation                     

III. PAGTAWAG SA MGA DUMALO                          

 

IV.  MGA DUMALO:


      MGA OPISYALES (Board of Trustees)

 

1.     Pabulayan, Michael Vincent                    Tagapangulo

2.     Kiven Wilmer P. Rayel                            Pangalawang Tagapangulo

3.     Mariel O. Mabuting                                 Kalihim

4.     Ian Avegail Buduan                                Myembro ng Konseho

5.     Joshua Magracia                                    Myembro ng Konseho

6.     Alexander Michael Cook                         Sgt at Arms

 

          MGA HINDI NAKADALONG OPISYALES

1.     Jamil Z. Quitlong

2.     Hywell T. Reyes

3.     Freddie D. Orillo – Suspended

4.     Junnie Ryan Marcelo

5.     Koko Pataunia

 

          MGA MIYEMBRONG NAKADALO

6.     John Ernest Aranilla                             

7.     Angela Escosia

8.     Francis Bebida

9.     Princess Khael Ann A. Rodillo

10. Maria Mika Lavado

11. JB Aril

12. Shirven T. Ferreras

13. Jon Jerrick Puertes

14. Jerome Laflores

15. Margem Dadios

16. Moira Bhai Valderamos

17. Jay Eric P. Abar

18. Kenneth Cabarrubias

19. Mikaela Cuevas

20. Maria Angela Marquez

21. Gemareah Reynoso

22. Mheybel P. CabaƱas

23. Jericho Pagana

24. Aldwin Castro

25. Irvin Christian S. Francia

26. Luisito Zarsaga

 

V.       PAGBUBUKAS NG PULONG AT PAGTAWAG SA KAAYUSAN NG PULONG

Tinawag ni G. Michael Vincent Pabulayan, Tagapangulo, ang kaayusan ng pulong sa ganap na ika-10:00 ng umaga.

 

VI.     PAGPAPATIBAY SA KATITIKAN NG NAGDAANG PULONG

Pagbasa sa katitikan ng nagdaang pulong at wala nang naiwang usapin.

 

VII.   PAGTALAKAY SA MGA ADYENDA

1. LIBRO NI JUAN ALVAREZ GUERRA UKOL SA KANIYANG PAGLALAKBAY SA BAYAN NG TAYABAS AT ANG MAPANG BINABALAK GAWIN GAMIT ANG KWENTO SA LIBRO (TRAVEL ROUTE MAP).

 

Sa pagsisimula ng pulong nagpresenta ang tagapangulo at kalihim ng grupo ukol sa libro ni Juan Alvarez Guerra, ang pamagat nito ay “From Manila to Tayabas”. Ang librong ito ay naglalaman ng mga kwento sa paglalakbay ng awtor sa Bayan ng Tayabas noong panahon ng Espanyol. Tinutukoy rito ang itsura ng Tayabas noong una. Nilalayon ng grupo na makabuo ng isang mapa sa pamamagitan ng libro, maipakita sa pamamagitan ng mapa ang mga nabanggit na kinaroroonan ng mga lugar sa kwento at makabuo ng isang guhit na magrerepresenta sa Tayabas noong panahong Espanyol.

 

Sa pagpapatuloy ng pulong napag-usapan na maaring humanap ng iba pang organisasyon o tao na maaring makatulong sa gagawing proyekto. Ang mga nabanggit na mga grupo tao ay:

·       SICAT

·       Luis Palad Historical Society

·       Lucban Historical Society

·       Sariaya Heritage Council, Inc.

·       G. Mark Anthony Glorioso


Napag-usapan naman na uunahin munang mabasa ang nilalaman ng libro upang maging pamilyar ang lahat sa mga kwento at napuntahan ng awtor noon, bibigyan ng kopya ng nasabing libro ang bawat miyembro upang masimula naring maimapa ito ng paunti-unti para sa susunod na mga pulong ay makakapagbabahagi ang bawat isa sa binabalak na mapa o travel route map.

 

2. THEATER WORKSHOP (SINING TAYABASIN)

Nagpresenta si Keissy Rayel, Tagapangulo ng grupo, ng mga dulang kanilang nagawa noong nag-oorganisa pa sila ng teatro. Naibahagi niya ang mga pamagat ng kanila nang nagawa o naisadula. Sinabi rin niya na ang teatro ay talaga namang parte na ng kultura ng mga Tayabasin. Binahagi niya na binabalak na magkaroon ng isang theater workshop sa Tayabas at papangasiwaan ito ng Sining Tayabasin. Kaugnay nito ay binabalak na ang miyembro ng OST-THGI na interesado sa pag-arte ay makilahok rito. Ang gagawing pagsasanay ay magsisimula sa Septembre ng taong kasalukyan.

 

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong mahasa ang miyembro sa ibang aktibidad na kaugnay sa Sining ng pag-arte, pati na rin sa pagproproduksyon o teknikal na gawain sa pagoorganisa ng teatro. Ang mga sasailalim sa pagsasanay ay maaring makapagpalabas ng programa kaugnay sa darating na anibersaryo ng grupo sa Nobyembre. Nabanghit rin na maari itong gawing lagiang aktibidad at magorganisa ang grupo ng mga dula na ipapalabas upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga actor na miyembro, ang pamamaraan na ito ay tinatawag na income generated activity.

 

 

3. IKA-5 TAONG ANIBERSARYO NG OST-THG INC.

Pahapyaw na napag-usapan ang darating na ika-5 anibersayo ng grupo. Nabanggit rito ang maaring maging aktibidad tulad ng photography contest para sa mga miyembro na ang tema pagseselfie sa pamanang lugar rito sa Tayabas at ito'y bibigyan ng caption. Isa pang nabanggit ay ang gagawing taunang pagpili ng mga huwarang miyembro ng organisasyon o ang most outstanding member award, dito ay nakakatanggap ang mga miyembrong pararangalan ng regalo at sertipiko. Ang huling napag-usapan ay ang pag-oorganisa ng mga aktibidad na katuwang ang ang ibang organisasyon, ito ay pag-uusapan pa sa mga susunod na pagpupulong.

 

4.  TAYABAS HERITAGE AT RISK

Nagpresenta ang Tagapangulo ng mga posibleng paraan upang mapanatili ang mga pamanang estruktura sa daang Tayabas-Sariaya na sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng road widening project ang pamunuan ng DPWH. Ipinakita sa presentasyon ang mga plano na maaring gamitin sa pagsasalba, isa rito ay panatilihin ang itsura ng mga tulay, lalaktawan ang pagkonstrusyon nito, ang mga kalye ay palalawakin ngunit ang mga tulay ay ndi gagalawin bagkos ay idadaait lamang ang mga kalye dito.

 

VI. IBA PANG NAPAG-USAPAN

·       PAGBISITA SA MGA ADOBENG TULAY NA NALOLOOBAN NG TAYABAS

 

Binabalak ng grupo na bisitahin ang mga tulay na bato sa bayan ng Tayabas. Napag-usapan ang iskedyul nito na gagawin sa mga susunod na sabado at lingo kung saan makakasama ang nakakarami. Ang eksaktong araw ng pagbisita ay iaanunsiyo na lang sa messenger group upang isaalang-alang ang iba pang magiging balakid sa pagbisita tulad ng sasakyan. Ang aktibidad na ito ay nilalayon na pisikal na makita at makilala ng bawat miyembro ang mga adobeng tulay na mayroon ang bayan ng Tayabas. Isa rin itong paraan upang mas lalo pang mapalapit ang grupo sa mga ginagawang pangangalaga sa antigong tulay na ginawa pa noong panahon ng Espanyol.

 

VII. PAGTITINDIG NG PULONG

     Dahil wala nang ibang pag-uusapan, itinindig ang pulong sa ganap na ika-11:30 ng umaga sa pagmumungkahi ni G. Joshua Magracia at pinangalwahan ni G. Ernest Aranilla.

Inihanda ni:            

                                                                       

MARIEL O. MABUTING   

Kalihim                  

 

                                                                      Sinang-ayunan ni:

                             

                                                                      MICHAEL VINCENT L. PABULAYAN

                                                                      Tagapangulo