Thursday, September 24, 2020

 


KRUS NA BATO: MULING PAGTATANONG NG KASAYSAYAN

//Jericho Pagana


Minsan, hindi natin napapansin na may nakatago palang hiyas at tanda ng mayamang kasaysayan sa mismong harapan. Nag aabang nang makakapansin at naghihintay na maungkat ang natatagong lihim. Lihim na nananatiling lihim, hanggang ngayon.


Sumikat na ang araw, unti unti na ring nawawala ang malamig na halik ng hangin bugso ng malamig na umaga. Sumasakit na rin ang bawat tama ng sikat ng araw sa balat at namumuo muo na rin ang pawis sa aking mga balat. Ngunit tuloy lang sa pagtabas ng mga talahib, kailangan ko ng batong haharang sa mga namumukadkad kong mga halaman, 

Hindi ko naman akalain na ibang klaseng bato pala ang matatagpuan ko. 

Nakatagpo ako ng krus na bato na parang hinihintay lang ako na mamataan s’ya. Tahimik na lamang nakapirmi habang nagtatago sa talahiban. Panibagong pamana nanaman. Pamanang walang nakaukit na kahit anong tanda at walang ring tanda na maaring magamit sa pagtukoy ng nakaraang pangyayari. 

Oo nga at natagpuna ko sya, ngunit parang napaka raming sikreto mistulang aayaw ipaalam. 

Bagay na mistulang kinulang na sa oras na hindi na natapos pag didikdik. Hindi na natapos ang krus na parang isang bagay na nawalan na ng halaga at napabayaan. Nanatili pa ring tanong ang mga tanong na hindi na nabigyan ng kasagutan. 

Panibagong pamana nanaman ang nadiskubre, 

at panibagong pamana nanaman ang magdaragdag ng tanong,

sa kung gaano ba talaga kayaman ang kasaysayan ng bayan ng Tayabas.